Chapter 2

29 3 1
                                    

"Living with all these monsters is not good for the innocent"

"You monster, get out of my head!"

"I wish I'll be the last"

______________________________________

"So, are you gonna tell me na?" tanong ni Val habang nag dadrive.



'Diko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko after that incident, mula pag sakay ko sa kotse naka salumbaba lang ako habang nakatingin sa malayo mula sa window ng backseat.



"Ynnah? Hello? nasiraan kaba ng sinasakyan at ganyan yang mukha mo? or baka ninakawan ka? OMG! Ynnah! tell me!" tanong ni Val habang nag-aalalang nakatingin sa rear view mirror nya.



"I'm okay, iku-kwento ko sa'yo mamaya pag dating natin sa SCC, ayusin mo pag da-drive ayoko pang mamatay" walang gana kong sagot, habang nakatingin parin sa malayo at pinag mamasdan ang pag sikat ng araw.



"Hindi tayo mamamatay, utang na loob wala pakong nagiging jowa, paisa muna ganon ta's pwede nakong mahimlay" pabiro nyang sinabe habang nakatingin sakin at pinipilit na singkitin ang mata sa salamin.



"Lalaki parin nasa utak mo!" pasungit kong sinabe. Wala akong ganang makipag biruan ngayon Val sorry pero wag ka muna maingay kahit ngayon lang.



Parang mas maganda ngayon tong sunrise, o baka mas na-appreciate kolang sya ngayon kasi may guilt feeling ako sa nangyare, every once in a while naman I make sure na makakakita ako ng sunrise pero iba sya ngayon, more beautiful na parang nakikipag usap sakin. whatever.



After ilang minutes dumating na kami sa tapat ng SCC. "Ynnah, baba kana dito, tapos hanap kana ng bukas na shop na pwedeng mag pa photo copy, thank you, mag papark narin muna ako" Aba! at nautusan pa nga'ko, s'ya na nga 'tong manghihiram ng reviewer. Ay bestfriend ko nga pala 'tong babaitang 'to wala 'kong choice saka sinundo nya naman ako. hmmp.



"Okay, hanapin nalang kita sa benches or sa canteen" pa-irap kong sinabe sabay tulak ng pinto at baba ng kotse. Nilibot ko agad ng tingin ang mga computer shops sa labas ng SCC para mag hanap ng bukas para mag pa photo copy.



Matapos ang ilang hakbang natanaw ko ang isang computer shop na may '24 Hours' na sign at agad kong pinasok ito. After mag pa photocopy nag lakad nako papasok ng school, kailangan kopa pala mag review for the exams.



Papasok na sana ako nang biglang tinanong ako ni kuya guard "Goodmorning, Ang aga mo ata? 8 pa start ng mga klase" habang tukod ang stick sa lamesa nya na panundot nya ng bag kapag may papasok.



"Ah eh mag rereview po kasi kami kuya, kasama kopo yung pinag buksan nyo kanina ng gate na naka kotse" tugon ko na may pilit na ngiti sa labi. Kuya naman wala 'kong gana makipag usap.



"Ah ganon ba? Goodluck" sabay ngiti ng malaki. Pag lagpas ko sa gate ay agad akong nagtungo sa benches para hanapin si Val. Mabuti nalang at iilan palang ang mga estudyanteng napasok, makakpag focus kami.



"Oh!" padabog kong inabot sa kanya yung papers habang nakaupo sya sa bench malapit sa open field o ng 'Oval', kinuha nyalang ito at hindi manlang tumingin sa akin. Umupo narin ako sa tabi at tinignan ang pinagmamasdan ni Val.



Napanganga ako ng bahagya sa nakita ko, tagos mula sa mga ulap yung rays ng araw at natama ang mga ito sa piling parte sa gitna ng Oval, hindi ko alam na mahilig din pala si Val sa mga gantong tanawin. Pero ilang segundo palang ng pagkamangha ay may narinig akong sumisigaw.



The Perfect Guy's Secret - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon