Chapter 9

6 1 0
                                    



"Breakfast in bed" nagising ako sa mga katagang iyon ni Sean at kinamulatan siyang may hawak na pagkain at nakatayo sa paanan ko, agad naman akong nag-sipilyo at nag hilamos.



"Goodmorning, dito ba tayo kakain?" pambati kong tanong habang umuupo sa tapat ng mga pagkain sa kama, tumango lamang ito ng may malaking ngiti sa labi, "aalis tayo ng 10 o'clock, daan muna tayo sa simbahan" papakasalan mo naba 'ko? omg!



"saang simbahan? parang wala namang church sa malapit" tanong ko habang kumakain, I have to pray for nanay Pasing din at sana may mabibilihan ng mga pasalubong do'n.



matapos kumain ay iniligpit na ni Sean ang aming mga pinagkainan, ako naman ay kaniya nang pinag-ayos kasi anatagal ko raw. "be ready by 10 am, okay?" paalam niya habang isinasara ang pinto



naupo muna ako sa gilid ng kama habang iniisip ang mga nangyare no'ng mga sandaling iyon, ramdam ko parin ang pagdampi ng mga labi ni Sean sa labi ko, na-aalala parin ng mga palad ko ang katawan niya, pati yung... 



"AHHH!"



mabuti nalang at walang nangyare at baka hindi na ako makalakad ngayon, kinakabahan ako sa buhay ko sa oras na gusto ko na magka-anak, char. Patayo na sana ako nang biglang buksan ni Sean ang pinto at tila hingal na hingal



"You okay?!" direktang tanong nito, ikinunot ko ang aking mga kilay dahil sa pagtataka, "oo, Bakit? anong nangyare?" naguguluhan kong tanong at lumapit sa direksiyon niya, "I-I heard you screaming, kaya tumakbo ako from the kitchen" nabasa pa ata ang suot na apron nito dahil sa pagmamadali



"wala yon" pinitik ko ang kaniyang noo at isinara ng bigla ang pinto, "Hey! you sure?!" tanong nito habang kinakatok ang pinto, napangiti na lamang akong nakasandal sa kabilang bahagi dahil sa mga naririnig ko, "don't worry, I'm fine" sagot ko at nag umpisa nang mag ayos.



pagpatak ng alas diyes ng umaga ay nagtungo na ako sa harap ng bahay upang antaying mailabas ni Sean ang sasakyan.



"saang simbahan tayo pupunta?" tanong ko habang ikinakabit ang seatbelt, "You'll know when we get there" nakangiting sagot nito, biglang pumasok na naman sa isipan yung mga nakita ko kagabi at ini-iwas ang tingin sa labas ng sasakyan



"about last night" napapikit ako ng madiin nang marinig kong sinabi iyon ni Sean, "ang ganda pala ng view kahit dito sa labas lang ng bahay" pag-iiba ko ng paksa ng usapan, "do you want to continue?" he chuckles



napalunok ako dahil sa sinabi nya at nagkunwaring hindi ito narinig, dahan dahan kong isinasalpak sa magkabilang tenga ko ang aking earphones nang hawakan ni Sean ang kamay ko, "I'm really sorry about what happened" seryosong sinabi nito habang nakatitig sa mga mata ko



"sorry kasi 'diko napigilan yung sarili ko, I'll understand if you will stop seeing me after this trip"



ramdam kong bukal sa loob n'ya ang paghingi ng tawad, "let's just pretend na hindi nangyare yon" nginitian ko siya upang malift-up ang atmosphere at ngumiti naman ito ng malaki pabalik, actually kasalanan koding sumabay ako.



nag-park si Sean sa tapat ng simbahan, saktong mag-uumpisa na ang misa kaya agad kaming nagtungo sa loob nito upang mag hanap ng mauupuan, "do you want me to arrange our wedding after this?" pabirong tanong nito habang ina-alalayan akong dumaan sa pagitan ng mga upuan



"you wish! hindi pa nga kita sinasagot" pataray kong sagot, napaka bilis mo naman po ginoo siguro sa araw na sasagutin kita, pakasal na tayo agad para 'dika na makawala sakin, charot.



The Perfect Guy's Secret - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon