Chapter 4

19 2 0
                                    

"Everyone leaves but this feeling."

"How can I not think of it even just once"

______________________________________

"Valerie, Ynnah wake up, it's already lunch" Nagising kami ni Val sa pagkatok ng mommy nya sa pinto, hindi namin namalayang alas onse na pala ng tanghali. Ansakit ng ulo ko dahil sa hangover, bakit ba kasi andami naming ininom ni Val. 


"Yes! Mom mag-aayos lang kami" pasigaw na sagot ni Val habang hinuhugot ang kumot upang tiklupin. sinalansan ko naman ang mga unan sa itaas na bahagi ng kama at agad na nag hilamos at nag sipilyo. "Val, how did we get here? I mean sa kwarto mo eh halos hindi na nga tayo makatayo last night" tanong ko habang nabula ang bibig.


"Hindi ko nga rin alam eh, sa pagkaka-alala ko nga nakayakap ako kay Vince eh" kinikilig na sagot ni Val. "Grabe Ynnah, ang tigas..." pabitin neto sa sinasabi nya. "ng braso nya tapos nung tulog na sya hinawakan ko yung abs nya" dagdag ni Val habang nagkaka-kawag at tumitili.


"Hoy, baliw ka talaga, pati point guard ng SMIS minanyak mo. Ano malaki ba?!" pabiro kong tanong at iniayos ang sipilyo sa lalagyanan. I'm sure namang hindi gagawin ni Val na hawakan yung ano ni Vince. Malandi lang sya pero takot sa sawa.


"Che! hanggang abs lang hinawakan ko no!" pagpapaliwanag nya at mabilis na dumiretso sa bathroom. "I know you, Duh" pang-aasar ko sa kanya. Hiniram ko muna ang phone ni Val para magpatugtog habang inaantay sya, nakacharge pa kasi yung akin, dead bat. Hinanap ko yung kanta ni Calum Scott, 'No matter what' para maisip kong mahal ako ng pamilya ko kahit malandi ako.


Paglabas ni Val sa CR ay saktong tinawag kami ni tita para kumain. "Pababa na po tita" sagot ko habang pinapatay ang music. Dumiretso na kami ni Val sa dining table, nakahanda na ang mga pagkain. Umupo kami sa tapat ni tita "Goodmorning" sabay na bigkas namin ni Val at inabot ang mga kubyertos at nag umpisang kumain.


"Goodmorning ladies, so how was the party?" tanong ni tita habang inaabot ang plato ng kanin. "It was fun mom! hot guys were everywhere!" excited na sagot ni Val. "By the way mom, nasa'n si dad? hindi ba sya sasabay mag lunch?" dugtong na tanong nya. "Ah, he needs to do something sa company, but he told me to ask you about the party, since he couldn't talk to any of you two nung ihinatid kayo ni Sean dito." Sagot ni tita.


Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ni papi, este Sean. Kaya pala sa kwarto na kami ni Val nagising. 'Caring' plus point, Charot. "Oh I see, akala namin ni Ynnah namagic kami papunta sa kwarto" seryosong sinabi ni Val at itinuloy ang pagkain. "Ynnah, your mom called earlier. Tinanong kung kamusta ka daw dahil hindi mo sinasagot yung mga calls nya." tanong sain ni tita. Namatay nga pala yung phone ko kagabi kasi hindi ko naicharge bago umalis. "Lowbat po yung phone tita" pangisi kong sagot.


"Don't worry, sabi ko you were busy about school stuff" sabay kindat sakin ni tita. Hindi ko maiwasang mainggit kay Val dahil ang cool ng mga magulang nya, napaka understanding pa pero okay din naman ako sa parents ko. Mas inalala ko ang itsura ko nung hinatid kami ni Sean, baka ang chaka ko, hala nakaka-strike two na nga'ko makikita nya pang wasted ako. Napa padyak ako sa ilalim ng table at aksidenteng nasipa ang paa ni Val.


"Aray Ynnah!" nasaktang sigaw ni Val. "hala sorry, may naalala lang ako" pangisi kong sinabi habang pinupunasan yung natapong sabaw mula sa kutsara ni Val. Tumawa lang ng malakas si tita habang nakatingin sa nangyare at tinapos ang pagkain.


Ina-ayos kona ang mga gamit ko sa loob ng bag para makauwi na bago pa magdilim, mahirap pa namang makasakay ngayon dahil maulan. "Oy Ynnah, kamusta pala kamustahan nyo ni Sean sa pool?" paintrigang tanong ni Val. Muntik kona makalimutang sabihin kay Val na si Mr. Papi ay yung kababata nyang si Sean "Val! Si Sean pala!" napasigaw ako sa sobrang excitement at napatalon sa tabi ni Val.


The Perfect Guy's Secret - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon