Chapter 7

16 2 0
                                    

"I like distracting myself, while my demons are lurking around"

"I'm not alone but I feel so freaking lonely"

______________________________________

"Hello Ynnah?" makalipas ang ilang araw saka lang naisipan ng babaeng 'to na magreply, may sama ba ng loob 'to sakin? "Oh! so you're still alive" malditang kong sagot, na sa'n ka nung kailangan ko ng kaibigang makakasamang tumili?! Char.


"I forgot to tell you na, mom and dad planned a trip out of town, walang signal sa place even wifi, kaya kababasa ko palang ng messages mo, biglaan sorry" pagpapaliwanag nito, and why did she not tell me? wala naba akong puwang sa buhay ng bestfriend ko? of course nagda-drama lang ako.


"hmm okay, basta i-deliver mona ngayon yung mga pasalubong ko" I'm sure mag-uuwi ng peace offering si Val, she may not be the ideal friend to have pero swerte parin ako sa kan'ya. "speaking of, nasa tapat nako ng bahay nyo, mag-ayos kana diyan and we have a lot of things to talk about" 


Diretsong pumasok si Val sa kwarto ko at naabutan akong sinasalansan ang aking mga novel books sa study table, "So what happened habang wala ako?" bungad na tanong nito at inihagis ang apat na paper bags sa kama, I honestly don't know where to start kaya binuksan ko nalang muna yung mga dala nya.


"wow andami! thank you, love na love mo talaga ako 'no?" pang-aasar ko na hindi nito pinansin at seryosong umupo sa tabi ko, kinakabahan ako baka mag away kami sa mga malalaman nya, pero support ka diba bes? dimo hahadlangan pagpapakasal namin diba? 


itinabi ko ang mga dala ni Val sa gilid ng kama at sinimulan na ang pagku-kwento, "the day after the night na sinabi kong dinala ako ni Sean somewhere then he confessed?" diretsong nakatingin lang sa direksyon ko si Val at hindi naimik, kinakabahan ako lalo sa titig nya.


"p-pumunta sya dito sa bahay tapos hiningi nya yung basbas nila daddy para ligawan ako, then pumayag naman sila mommy for some reason" naiilang kong pagku-kwento, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa bigat ng atmosphere na dala ni Val.


napatitig ako sa mga mata ni Val nang pumatak ang luha nito kasabay ng kan'yang pag ngiti, "Ynnah, mauunahan mo pa 'kong mag ka-jowa!" lintek! akala ko kung bakit wala s'yang reaksyon habang nagku-kwento ako.


"Nakakainis ka! akala ko galit ka sakin" naihampas ko sa kanya ang unan na malapit sa'kin at sabay naming tinawanan ang nangyari.


nahiga kaming dalawa at parehong tumitig sa kisame, "Sean always says na he's looking for a girl at hindi sya mag g-gf hanggat hindi nya pa nakikita 'yon" she then smile, hindi ko mawari kung tinadhana ba kami ni Sean to meet or everything is really just an accident.


tumango na lamang ako at nakinig, "Hindi nya sinabi samin kung anong name nung girl, he's just saying na gusto nyang mahanap 'yon naturally without any help from us or even the technology. mas lalong lumaki ang ngiti nito nang ibaling nya ang kaniyang tingin sa akin.


"and now he found you. Without any help nahanap ka n'ya Ynnah" It gives me chills hearing those words from Val and I just smile back to her she's caressing my hair gently "I know Sean will be a good guy to you pero wag muna isuko ang bataan ha?" sabay hila nito buhok ko


muntik ko nang makalimutang si Val parin pala ang kausap ko kaya hinila korin ang buhok nya bilang ganti "Akala ko pa naman nagiging sentimental kana! siraulo ka" pabiro kong sinabi habang nagbabatuhan kami ng unan.


natigilan kaming dalawa nang mag ring ang telepono ko dahil sa tawag mula kay Sean na agad ko namang sinagot, "Uy Sean, napatawag ka?" hinahapo kong tanong, ang hirap din palang makipagbugbugan "Sean! malandi ka! dimo sinabi saming nanliligaw kana kay Ynnah!" sigaw ni Val sa call.


The Perfect Guy's Secret - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon