Chapter 5

19 2 0
                                    

" These tablets makes me smile and wakeful, I like this feeling"

"I hope that I won't be dependent on these my whole life. fuck"

______________________________________

"Ynnah, are you ready? last sunday hindi ka nakasama sa church kasi late na kayong natapos ni Val sa revisions nyo, bumawi ka today" Sigaw ni mommy habang nakatok sa kwarto ko. Every sunday kasi we're making sure na makakapag simba kaming tatlo; bonding narin namin sayang lang at nasa America si kuya Troy.

"Sandali nalang mommy, pababa na din po, thank you" sagot ko habang sineset ang makeup ko, kailangang hindi mahulas 'to at baka makita ko si Sean somewhere over the rainbow. tinungo kona ang sasakyan. Nakakamiss din palang makipag agawan ng front seat kay kuya, kailan kaya uuwi yon.

Matapos ang misa ay nagtungo agad kami ni mommy sa ladies room para mag re-touch at mag pa-fresh, malakas ang feeling ko na makikita ko si Sean anytime soon, charot. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga ngiti nya, gusto kong makita syang ngumiti ulit. Na-fall na ata ko in a short span of time. 

Pauwi na kami ng mag-aya si daddy na kumain sa labas, agad namang tumanggi si mommy at sinabing mag pa-deliver nalang sa bahay dahil mukang uulan na naman at maiipit kami sa traffic pag-uwi. 

Nagising ako mula sa pag-kakaidlip nang tumawag si Val, inabutan na rin kami ng ulan sa daan. "Ynnah, Sean just visited mom's clinic" diretsong sinabi nito, mabuti kapa nakita mo si papi future hubby ko. "Anong ginagawa nya diyan?" naguguluhan kong tanong, saka sunday ngayon usually Monday to Friday lang open yung clinic ni tita, ano naman kayang sasadyain nya do'n?

"Mag shopping sana kami ni mommy, tapos may tumawag na client sa kanya kaya dumaan muna kami sa clinic, tapos si Sean pala yung kausap ni mommy sa Phone" kwento niya. "Narinig mo ba pinag usapan nila?" pang uusisa kong tanong, ilang beses naring nakikita ni Val si Sean around FMHC. "Nope, naiwan lang ako sa labas pero nakita kong may inabot lang na files si mommy from her drawer" marahang sagot ni Val.

"Kinumusta ka pala ni Sean" pataray na dagdag nito. Enebe Val, kakagaling kolang ng simbahan wag mokong pag isipin ng mga kalandian, charot. "Oh talaga? Anong sabi mo?" nabuhayan kong tanong, baka na miss din ako ni Sean pero bakit hindi nya nalang ako tanungin sa text or tawagan.

"Malandi ka, sabi ko okay ka naman at nag aantay ng tawag nya" bwiset ka talaga Valerie, pero sige malay mo tawagan nyadin ako mamaya or bukas tapos ayain nyakong makipag date tapos ikakasal na kami at mag kaka-anak ng tatlo. "Siraulo ka, ano namang sinabi nya?" gusto konang tumili pero kasama kopa sa sasakyan sila mommy.

"Wala ngumiti lang, tinanong ko yung about sa envelope na inabot sa kanya ni mommy pero di ako sinagot umalis nalang agad" naitanong na nya kasi ako sayo, ilusyonada ko naman. "Ynnah, we're here na anong gusto mong food?" tanong sa'kin ni mommy habang nakatingin sa rear view mirror ng sasakyan.

"Kahit ano mommy, basta may pizza, thank you" sagot ko kay mommy at nag-paalam na kay Val sa call. Pumasok narin kami sa loob upang antayin ang mga pagkain. Matagal-tagal narin pala mula nung huli naming ginawa 'to, manunuod ng movie habang sama-samang kumakain ng delivered foods, andito pa ata si kuya Troy no'n.

Kakagat palang sana ako ng slice ng pizza nang makatanggap ako ng text mula kay Sean. Nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi napigilang tumili, nabaling naman sa'kin ang atensyon nila daddy kaya ngumisi lang ako. Bakit naman kasi bigla-biglang nagtetext 'tong mahal ko, char.

"Are you free next friday?" sabi nya, ini-invite bako nitong makipag date? o baka mag papasama lang. "I do!" malandi kong reply, baka maisipan nyang pakasalan na'ko sa biyernes. "Save that 'I do' on our wedding day." tama ba'tong nababasa ko? nilalandi ba'ko nitong si Sean? o baka sinusubukan nya kung marupok ako at easy to get? pwes! tama sya. 

The Perfect Guy's Secret - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon