Kabanata Two: Don't Call Us, We Will Call You! (Part 3)

518 121 0
                                    

Preparation Day!

Ngayong alam mo na ang ilan sa mga puwedeng itanong sa ‘yo sa job interview mo, now is the time to prepare for the big day.

Research About The Company
Ngayon mo magagamit ang iyong “stalker skills”. Kung kayang-kaya mong alamin ang likes and dislikes, favorite color, cellphone number, at address ng crush mo gamit ang internet dapat ganoon ka rin kagaling mag-reseach tungkol sa kompanyang iyong aapplyan. Alamin kung anong nature ng kompanya, anong produkto ang ibinibenta nila, ano ang history nila, ano ang benepisyo na puwede mong makuha at iba pang impormasyon na importante. You need to do this para naman may maging topic agad kayo ng interviewer mo, to build rapport, and connection. And in this way, since you are knowledgeable about their company the interviewer will instantly list you as a candidate to be hired.

Magmukhang Tao Sa Araw Ng Interview
Kung sanay kang hindi maligo araw-araw o hindi mag-toothbrush kahit once a day, o hindi magpalit ng damit, please naman, on the day of your interview, be formal. Hindi ko sinabing magsuot ka ng gown o tuxedo, just look professional. Be hygienic. Maligo, mag-toothbrush, magplantsa ng damit. This is an important day! Look your best!

Eat Well, Be Well
Alam mo namang bukas na ang interview mo kaya umiwas muna sa mga buffet restaurants at sa mga pagkaing alam mo namang mabilis masira. Kumain lang ng pagkaing alam mong kasundo ng tiyan mo. Hindi ka puwedeng mag-take risk, hindi ito pag-ibig, career mo nakasalalay dito. Dahil mamaya ay sa job interview mo pa ikaw mismo abutan at ipatawag ka ni Big Brother sa Confession Room para makapag-deposit ka. Diarrhea!

Tulog-Tulog Din ‘Pag May Time
Kung bukas ang interview mo ng 8AM, itigil mo muna ang kacha-chat kay crush at kaba-browse sa Facebook. Matulog ng maaga, matulog ng 8PM at gumising ng 6AM para may one-hour grace time ka papunta sa kompanya.

Be On Time, Time Is Gold
Mag-set ng alarm kung hindi sanay magising ng maaga. You can’t be late on the most important day of your life! Saka ka na um-absent o ma-late sa trabaho kapag regular ka na. Not today.

Prepare Your Mind, Body, and Soul
Be ready for a chance of a lifetime. Make it or break it. No more second chances. Singhutin mo na lahat ng confidence sa mundo. Focus your mind on one thing, “I want this job and I’ll get it!”

Isipin mong ikaw ay nasa isang giyera na kung saan ang mahina ay lalapain ng malakas. Ikaw dapat ang malakas, ikaw dapat ang manlalapa. Hindi ka magpapatalo sa mga kasabayan mo sa job interview. They should see you as the predator not the prey. Ikaw ang pinaka-alert, pinakamabangis, pinakamabagsik, pinakamagaling na job hunter na nabubuhay!

Trust yourself. Believe in yourself. Maniwala ka sa sarili mo na wala na silang makikitang kasing galing na empleyado na kagaya mo saan mang sulok sila ng kalawakan magtungo. Kailangan may mentality ka ng isang warrior, isang Einstein, isang Miss Universe Candidate… hindi puro beauty kundi beauty and brains!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now