Kabanata Two: Don't Call Us, We Will Call You! (Part 1)

475 46 0
                                    

Introduksyon

Hello, freshies! Welcome sa real world! Hahahahahaha! Bwahahahaha!!! Sorry na, feel ko lang maglabas ng carbon monoxide. Este, dioxide pala. Haha! Bilang fresh graduates, dapat ay makapag-move on na kayo sa pagiging estudyante at tanggapin ang inyong bagong misyon sa buhay… ang pagiging super empleyado.

Ngayon, nasa inyong mga kamay na ang kadadatnan ng inyong buhay hanggang sa magkapamilya ka, hanggang sa mamatay ka na. Pero ‘wag muna mag-plano ng kamatayan ngayon, ha. Maghanap ka muna ng trabaho!

Ang pinakanakakakabang eksena sa paghahanap ng trabaho ay ang Q&A portion. Ito ‘yong parte kung saan mapi-feel mong final judgment na, bitay na in short. Dito na ‘yong ang todo na’ng kaba mo. Tipong nakita mo ‘yong first love mong dumaan sa harap mo o kaya ‘yong iba naman pawis na pawis pati ang singgit akala mo may tubo ng Maynilad na nakakabit sa singgit. Anghit na ituuuu! Tunay nga namang nakakakaba slash nakakaloka ang mga ganitong eskena. Well, for most of you siguro but not for me. Interviews ang pinakapaborito kong parte ng application process. Why? Kasi madaldal ako at gusto ko lang i-share ang kuwento ng buhay ko. ‘Wag kang pakialamero sa ‘kin, ha! Iba-iba tayo ng trip. Pero seryoso bet na bet ko talaga ang interviews. I love it!

Actually, madami namang paraan on how we can impress our future employers, eh. It just depends talaga sa personality ng tao. Pero if you really want the job, then you have to put your best foot forward to show them you’re the right person for the job. Kaya para sa inyong may mga allergy sa interviews, here are some of my tips for you. And remember, kapag nagawa mo ng tama ang job interview dapat ang maririnig mo sa HR o employer ay “You’re hired!” at hindi “Don’t call us, we will call you.”

Ang una mong dapat gawin para maging matagumpay ang inyong job interview ay ipasa ang “entrance” exam ng kompanya. Yes, exam na naman! Graduate ka na nga’t lahat, may exam pa rin?!? Pero meron ding mga kompanya na nauuna ang interview bago ang exam, whichever, may exam ka pa ring pagdadaanan. Eh gano’n talaga, ang mundo ay isang malaking test paper, hinahamon ka kung handa ka na ba sa buhay na papasukin mo. Kaya shut up and pass the exam!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now