Ang Mas Nakakadiring Experience
Akala niyo nakakadiri na ang experience ni Prof. D, well, mas nakakadiri ang tae experience ko. Super nakakadiri talaga! One time, no’ng nagpa-medical ako sa isang Medical Lab sa Makati ay nakalimutan kong magdala ng stool sample kaya ‘yong nurse ay binigyan ako ng container kung saan ko puwedeng ilagay ang erna ko. Kaloka, lakas ko pa naman maka-pormahan no’ng araw na ‘yon, all-white ang suot ko both pants and shirt tapos ang sikip-sikip ng pants ko nagmumukha na tuloy longganisa ‘yong hita ko plus naka-boots pa ako. Bongga ‘di ba? Bongga sa hirap kumilos. Imbyerna!
Eh di nasa loob na ako ng C.R. para kumuha ng tae ko. Ang nangyari that time was one of my most nakakadiring experiences in life ever! No’ng naka-erna na ako akala ko tapos na ‘yong delubyo ko hindi pa pala. No’ng i-scoopin ko na ‘yong tae ko sa bowl kaloka ang taas pala no’ng tubig, hindi abot ng scooper. Hala! Nataranta na ako. Look to the left, look to the right na ‘ko. Buti na lang may nakita akong bote ng handwash, ‘yong pine-press ‘yong takip para may lumabas na liquid soap. Tinanggal ko ‘yong takip kasama ‘yong parang straw na nakakabit dito, eh feeling ko magagamit ko pagka-cum laude ko, feeling brainy ako noon, sabi ko sa sarili ko alam ko na papasipsip ko dito sa takip at straw ‘yong tae ko na nasa bowl. Okay, go push tayo sa Plan A. Ang galing kasi na sipsip nga ng parang straw ‘yong tae ko gamit lang ‘yong pag-press press ko ng bongga sa may takip. Next, siyempre dapat kong masalin sa container ‘yong taeng nasa gitna na ng straw. Ay, naku, ‘day! Nawindang ako ayaw lumabas no’ng tae, kaya ‘yon binalik ko na lang sa handsoap container ‘yong takip. Sabi ko sa sarili ko patay na ‘ko nito ang tagal ko sa C.R., kaya ‘yon ginawa ko na ang Plan B: kamayin ang tae. Nakakadiri talaga! Kahit na sabihin mong tae mo ‘yon, eww pa rin! Wala na akong nagawa kaya nilublob ko na ang kamay ko sa bowl at hinuling parang isda ang tae ko. Sharap! Success naman at nalagay ko sa container ang tae sample ko. Grabe diring diri ako sa ginawa ko kaya hugas agad ako ng kamay eh buti na lang may bar soap kaya kuskos agad ako ng kamay ko. Thanks to God talaga dahil may bar soap kasi siyempre hindi ako gagamit ng handsoap kasi pag-press ko noon malamang tae ko ang mapapangsabon ko sa kamay ko. Super duper ewwness ‘yon! Well, good luck na lang sa sumunod sa ‘kin. Happy handwashing!
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
YOU ARE READING
Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)
Non-FictionHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (06-11-20) #4 in Self-Help (06-26-20) #3 in Autobiography (06-11-20) #2 in Essay Collection (09-26-21) #160 in Non-Fiction (05-09-20) Kung sa tingin mo ay mahirap ang pag-aaral, puwes hintayin mo lang 'pag...