Ang Nakakadiring Experience
When I decided to write Anong Klaseng Empleyado Ka? I asked my friends and I even posted on Facebook kung sino gustong makasali sa book ko. Madami ding nag-reply at nag-send ng kanilang stories that you will see sa parte ng “The Chronicles of Empleyadong Pinoy” but aside from those na nag-send si Prof. D na kamukha ni Shalala este mukhang shala-shala (meaning sosyal) ay nag-invite pa sa Figaro Riverbanks at doon namin pinagkuwentuhan ang mga nakakaloka niyang experiences.
Nakakadiri daw talaga ‘yong nangyari sa kanya kasi no’ng nag-medical daw siya for Telus he was requested to bring a stool sample na rin kinabukasan ng araw na ‘yon so that night kumuha na siya ng sample at binalak ilagay ito sa lalagyan na nabibili sa Mercury Drugstore. No’ng nasa banyo na siya hindi daw niya alam kung anong gagawin:
a. I-shu-shoot na lang ba ‘yong tae niya sa container.
b. I-scoopin na lang niya ‘yong tae niya.
Mas nadalian siya sa sa letter B kaya ‘yon ang ginawa niya. Naging maayos naman daw ang lahat na kahit diring diri siya sa sarili niyang ernabells (aka tae) ay nagawa niya pa rin ‘tong iscoopin at ilagay sa container. Ang pangalawa naman niyang problema ay kung saan ito ilalagay. Kaya tinanong daw niya ‘yong roommate niyang si Kambal if saan:
a. Sa ref na lang para hindi mapanis.
b. Sa lamesa sa tapat ng pinto para ‘di rin makalimutan.
Diring-diri raw sa kanya si Kambal no’ng sinabi niya ‘yong letter A. Kasi nga naman ay lafang sila sa loob ng ref tapos katabi ay tae. Kaloka din ‘to si Prof. D, eh. Mamaya pagkamalan pang palaman ‘yon paggising ng umaga. Akala Nutella ‘yon pala Nataella! Haha! So, ginawa na lang niya ang letter B para wala ng etchos pa.
Kinabukasan sa Medical Lab, siyempre binigay na niya ‘yong tae niya sa nurse sa may counter at dahil sa matinding diri binalot niya ng madaming tissue ‘yong container na parang mummy kaya ‘yon pinatanggal sa kanya ng nurse ‘yong balot. Diring-diri daw siya at ang mas malala pa dito, akala niya kasi iaabot niya na lang sa nurse ‘yong container after tanggalin ‘yong balot ‘yon pala siya pa maglalagay doon sa lugar kung saan nandoon lahat ng stool samples. No’ng ilalagay na niya halos masuka daw siya kaya hindi siya tumitingin, eh wala naman siyang magawa baka matapon pa ‘yong mga containers na napakadami daw tipong Mt. Everest ng tae kaya ‘yon napatingin na rin siya at nailagay ng nanginginig pa ang kanyang tae sample. Pero ang nagpabaligtad ng sikmura niya ay ‘yong container daw na katabi no’ng sa kanya kasi punong-puno daw. Nawindang siya dahil sample lang nga dapat ibigay eh pero si kuyang may-ari ng container binigay yata ang buong tae niyang inipon sa buong Linggo. Kadiri kaya ‘yon, ice cream lang? Yummy!
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
YOU ARE READING
Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)
Non-FictionHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (06-11-20) #4 in Self-Help (06-26-20) #3 in Autobiography (06-11-20) #2 in Essay Collection (09-26-21) #160 in Non-Fiction (05-09-20) Kung sa tingin mo ay mahirap ang pag-aaral, puwes hintayin mo lang 'pag...