Katapusan
After the cuh-ray-zee train ride, kailangan ko pang maglakad nang bongga from Farmer's Mall to Gateway para naman sumakay ng LRT patungong Pureza. Eh, alam mo bang sobrang sakit na ng paa ko that time. Formal attire pa ako, ha. Gusto ko nang isumpa ang mumurahing black shoes na binili sa Divisoria na suot ko ng mga panahong 'yon. Sarap magmura! Grabeng sakripisyo talaga. Hindi lang 'yon simpleng tiis-ganda, eh.
Tapos 'yon pagsakay ko namang LRT, okay naman kasi maluwang at nakaupo pa ako. Pero no'ng sumunod na istasyon dahil may sumakay na lola at madaming bitbit pero wala ng maupuan, 'yon sacrifice na naman, pinaupo ko si lola. Hay, respect for the elderly dapat pairalin. Mukhang diretso na ako ng langit sa ginawa kong good deed. Haha! 'Yon standing ovation ako the whole travel to Pureza umiiyak na ang mga paa ko. Pero naibsan din naman ito no'ng nakarating na ako sa pupuntahan ko at nakasakay ng jeep papuntang bahay.
I thought everything was going well, but I was wrong again. Dahil no'ng nakarating pa-PUP ang jeep ko, kalokang traffic jam ang sumalubong sa 'kin. Salamat sa proyekto ng DPWH na ayos "daw" ng kalsada na hindi naman sira. 'Yong totoo masabi lang may project, aayusin pati hindi sira? Eh kung binigay niyo na lang 'yan sa mga batang nangangarap mag-kolehiyo o kaya nagpa-feeding program kayo every week sa mga depressed areas. Eh di nakatulong pa tayo.
Isang oras mahigit ako sa loob ng jeep. Napaisip agad ako kung nasa EDSA pa rin ba ako, eh nasa Sta. Mesa na ako may traffic jam pa rin. Nakalokang paghihintay ang ginawa ko makauwi lang sa bahay. Buti na lang sanay akong maghintay... umasa, magpakatanga at masaktan! Ano daw?!? Hugot, Jahr? Haha!
When I got home, I realized a lot of things: grabehan ang traffic jam sa Pinas mapa-EDSA man o kalsada sa kanto niyo, O.A. ang siksikan sa loob ng MRT, LRT at PNR, at 'wag sasakay ng tren ng 5:00pm. Rush hour kasi 'yon tungaw! Eh, I thought of what time ako bumiyahe noon, well, 5:20pm 'yon. Kaya lesson learned! Maliban sa: "Gising gobyerno! Tulungan tayo sa asenso!" Eh, 'wag uuwi ng rush hour, magpagabi na lang muna sa mall at try umuwi ng alas nuebe. Except, 'pag alam na may poging makakasabay sa tren puwede na ring makipagsiksikan. Tiis-landi!
*****
BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago
YOU ARE READING
Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)
Literatura FaktuHighest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #2 in Memoir (06-11-20) #4 in Self-Help (06-26-20) #3 in Autobiography (06-11-20) #2 in Essay Collection (09-26-21) #160 in Non-Fiction (05-09-20) Kung sa tingin mo ay mahirap ang pag-aaral, puwes hintayin mo lang 'pag...