Kabanata Four: Enter Internship (Part 2)

388 35 0
                                    

Office “Girl” Daw

Dahil BSHRM ang kinuha kong kurso, I was required to undergo two OJTs ehem internships: pang-restaurant at pang-hotel. I did my restaurant internship sa isang casual dining na malaking bakeshop na may iba’t iba pang chain restaurants na itago na lang natin sa tawag na Hunger Games.

Masaya naman ang first day sa internship ko pero akala ko isasabak agad ako sa pastry naloka na lang ako pati ‘yong two superfriends kong sina VFF at Like na sa office pala muna kami gagawing katulong este papasubuking maging interns. Keri lang naman ang eksena sa office eh kahit puro paperworks. Pero sa office na ‘yon mo talaga madi-differentiate ang mga klase ng empleyado. Malaki kasi ‘yong office at lahat ay subdivided sa kung anong department ka. Not stereotyping but you would automatically know kung saang department ang isang empleyado just by looking at how he dresses up.

Katulad na lang no’ng isang lalaking (medyo cute) puro tattoo sa katawan at naka-dreadlocks ang buhok kasama niya ‘yong isang beki na fashionista ang pormahan. Sa tingin niyo saan silang department? Well, sa Creative Department sila ng Hunger Games, sila ang nag-i-innovate sa kung ano ba ang trend na puwedeng i-apply sa outlook ng restos nila at kung ano pang puwedeng baguhin sa cakes and pastries na sine-serve ng Hunger Games.

Meron ding mga laging naka-corporate attire. ‘yong mga mega sa O.A. na mag-corporate attire (katulad namin) pansin mo na sila ang mga baguhan o interns, mga naka-coat and tie pa, ‘yong mga babae mega tuck-in ng blouse sa black skirt nila. ‘yong iba nadadapa-dapa pa sa 2-inch heels nila. Kaloka, 2 inches na nga lang, eh! Hiyang hiya naman sa 5 to 7-inch heels nila Beyoncé, Lady Gaga, at Mariah Carey.

Ang sarap maging isang office girl. Yes, lakas kong maka-“girl”. Naka-panty ka, ‘te? Haha! Pero masarap talaga ang feeling na mag-corporate attire, tawagin ng mga tao na “ma’am” o “sir”, maging mukhang respetado hindi tarantado. Iba ‘yong feeling. Pero mas iba ang feeling kapag napuri ka ng boss mo dahil nakagawa ka ng isang magandang bagay. ‘yong Training Manager ko nga gusto na akong i-absorb, eh. I don’t want to say no but I have to. Kasi may hotel internship pa kami at gusto kong umakyat ng stage para sabitan ng korona. Char! Miss Universe? Haha! Este sabitan ng medalya, kunin ang diploma ko, magpa-picture kasama ang proud parents mo, at siyempre mag-Jollibee pagkatapos. Langhap sarap!

*****

BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO! ❤
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Empleyado Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now