Masyadong maaga para dito,
'di matanaw ang klarong totoo,
masyadong namamaga ang mata.Masyado pang hilaw ang damdamin,
'di masulyapan ang liwanag,
masyadong madilim ang paligid.Sapat na siguro 'di lumingon,
nang damdamin ay 'di na mabaon
sapat na siguro na itapon.Salamat sa paglinaw sa huli,
kun'di bulag pa'ko sa sarili,
salamat dahil nakita muli.Kung makinang pa rin ang ihip mo,
wala na siguro akong matamo,
buti na lang ako'y nabulag mo.Siguro tamang di ko makita,
ang iyong mga pinagsasabi.
Sapat na nga makita ng mata,
nang di ko maloko ang sarili.
YOU ARE READING
Waves Of Poetry
PoetryMostly forced poetry from school... (English & Tagalog) I'll be uploading poetry that isn't from school soon!!