Salamat Frontliners(T°BV)

31 6 0
                                    

Kung wala namang ginagawa, paano?
Kung walang pwede umayos, paano?
Kung walang mga tagalingkod, paano? 
Paano kaming mga nadamay din?

Kaya salamat sa lahat mga bayani,
Salamat sa pagtitiis ng pighati
Salamat kasi nandiyan kayo sa tabi
Kung ‘di dahil sainyo, wala na kami

Kaming mga walang alam at natakot,
‘di alam sasabihin dahil sa takot.
Kaming mga di makakakilos sa takot
Dahil sobra na ang nadadamang takot

Sobra-sobra ang nangyayari sa atin
Buti nandiyan kayo para sa amin
Dahil sa inyong pagkamaintindihin
Tayo ay lilipad at giginhawa din

Waves Of Poetry Where stories live. Discover now