Nakatago
Ayaw magpasikat ng araw na lubog
Mas gusto sa nakasanayan
Ayaw sa pagbabagong loob
Mas gusto sa Nahiyangan
Sa kung saan mas 'ligtas'
Sa kung saan mas komportable
Sa kung saan mas magaan
Magaan na pakiramdam
Walang huhusga
Malaya
Ngunit hindi tunay ang laya
Nakakulong sa dilim
Hindi makakita
Hindi makarinig
Hindi makaramdam
Hindi makatakas
Makatakas sa lugar kung saan
Mas nakasanayan
Mas nakahiyangan
Pero laging nasasaktan
YOU ARE READING
Waves Of Poetry
شِعرMostly forced poetry from school... (English & Tagalog) I'll be uploading poetry that isn't from school soon!!
