Oo(T°FEV)

24 5 0
                                    


Nasaan, nasaan ang katarungan?
Nasaan ang karapatan?
Nasaan, nasaan ang pinangakong kanlungan?
Nasaan? Bakit hindi ko madama
Ang mga salita
Na dapat nagbibigay katiyakan
Sa mga nagiiyakan
Nagsisigawan
Para di na mag alinlangan
Dahil hindi na madama ang salitang
Malaya

Bakit naglaho
Bakit naguho

Naguho ang mundo nung
Nawala ang tunay na kalayaan
Wala na
Wala, mawala na ng tuluyan,
ang mga pinapangarap.
Wala, mawala ang dapat na amin,
dahil lang sa masasakim,
Pinagkakait ang kasiyahan na ATIN,
dahil sa mga maramdamin,
dahil hindi na kayang dalhin
ang ating mga sarili.

Ay maling mali.

Pero bakit kikilatasin
ang mga sitwasyong nagbigay asin
sa mga taong pinipilit madinig?
Madinig ang iyak ng pinagkait.
pero hindi sa malapit,
kundi pinagpalit dahil pinagkait,
Ang buhay na dapat ay amin.

Pano kami aangat
Kung wala naman oportunidad na pwedeng ihatala
Kung wala naman paraan na
pwedeng umayos
sa mga matang lumuluha

Mga matang umiiyak na
"NASAAN ANG KATARUNGAN"
Dahil sobra-sobra na ang nadadama
Sobra-sobra ang paghihimagsik
Sa mga nanaliksik
Dahil sa inyong sakim
Sila'y napakapit sa patalim
Dahil sa karalitaang nakikimkim

Pero ano nga bang magagawa kung ika'y di makapagsalita

Ako'y nagsulat hindi para laitin
ang kanilang ginagawa sa sariling atin,
kundi para bangunin ang mga mahimbing
na nananaginip na ang ATIN ay unti-unting
nagiging hangin.

Waves Of Poetry Where stories live. Discover now