Oh wow nakita ko na naman siya.
Siya ang aking superman.
Bakit superman? Kasi nakasalamin siya.
Mahilig din siyang pumorma na polo over tshirt.
Parang feeling ko anytime na magkaproblema ako huhubarin niya yung polo niya
tapos lalabas ang symbol ni superman sa dibdib nya.
hayyyysss.....
Singkit and maporma, yan si Yongyong.
Palagi niya akong binabati tuwing nakikita niya ako sa labas ng bahay namin.
Hindi naman ako makabati, nakakahiya kasi.
Nahihiya ako sa kanya pramis.
hmmm.. ang hirap talagang maging babae ano po?
teka nga ang dami ko nanag sinabi, di ko napapakilala ang sarili ko.
Hello readers ako po si Mary Anne. Pwedeng tawaging Meann o kaya
May o kaya Ann.. hahaha ang dami kong nicknames...
pero mas gusto ko yung tawag sakin ni Yong.
sweetie.. awww talaga naman kapag naririnig ko yun nag kukulay rosas ang paligid ko.
heaven ang feeling.....
" Hoy Menggay! kanina pa ko tawag ng tawag sayo!"
Aray si nanay naman makabatok oh. "Bakit po?"
"pumunta ka dun sa tindahan bili mo ko ng suka at paminta. Ano tapos na ba ang winawalis mo dyan? Naku eh bakit ganyan dapat dinala mo na agad ang dustpan ikaw talaga, kakalat yan kapag nahipan ng hangin. Eto singkwenta ako na gagawa niyan. Bilisan mo dalii, sino ba yang nililingon mo dyan? "
" opo aalis na po..." lakad na Mary Anne bilisan mo baka tamaan ka ng armalite ng nanay mo.
Oy wag ka kahit ganyan si mama loves ko yan.
Makapunta na nga sa tindahan..
BINABASA MO ANG
my superman
Fanfictioni love you and you love me, kaya lang hindi talaga pwede kahit ipilit ko pa...