Nakapikit ako
Sana hindi na matapos
Sana ganito na lang.
Yung dream JS Prom ko nakuha ko. Ibinigay sa akin.
Sayaw sa ilalim ng liwanag ng buwan kasama ang crush ko.
Dumilat ako ng konti nakangiti siya.
Kumakanta pa din.
Nakatitig sa akin.
Kailangan kong i save sa memory ko.
Ang mukha niya.
Ang mata niya.
Ang labi niya.
Pumikit ako ulet, umikot kami humakbang siya pa side kasabay ng tugtog ng cotilion sa loob ng quadrangle.
" burahin mo yung pangit na memories sweetie," bulong niya.
Sayaw pa.
Nang matapos yung tugtog niyakap niya ako.
" I Love you sweetie. Mary Anne."
Nagulat ako dumilat ako at tinitigan siya. Ngayon lang niya ako tinawag sa name ko.
" Alam ko mahal mo din ako. Hindi mo na kailangan pang sabihin. Nararamdaman ko naman. Kaya lang hindi tayo pwede."
Pumatak yun luha ko.
Bakit?
" Dito lang kasi kita pwedeng mahalin na pwede tayo
Dito lang kita pwedeng isayaw ng ganito.
Dito lang ako pwedeng kumanta na ikaw lang ang audience ko.
Pero mahal kita. Pramis yan.
Huwag mong kakalimutan."
Pagkasabi nun, tumalikod na siya.
Lumakad palayo.
Tulo ulit yung luha ko.
Yong.. Bakit kasi.
Bakit hindi pwede?
- - - -
Palakpakan yung mga tao.
Nakayuko naman ako.
" Maganda yan Mary Anne. I can see that you really worked hard para sa project na yan "
Si Maam Raymundo yun. Teacher ko.
Inabot sa akin yung 1/8 index card
na may nakasulat na grade.
Finals na at yun ang grade ko.
Tumingin ako sa classmates ko. Di na nila ako pinapansin. Kanya kanyang daldalan sa classroom
Balik na ako sa upuan.
" Ganda nun bess anung grade mo," si Jandi yun. Ipinakita ko yung index card.
Nanlaki mata niya.
" Manlilibre yan!" Napalingon naman ako. Si Woobin. Hindi niya ako inalaska ngayon.
Buntung hininga.
Saklap ng maging fan girl.
Hanggang pangarap na lang lahat.
Ni hindi ko nga siya mkikita sa live concert.
Hanggang youtube na lang at FB.
Yan ang totoong buhay.
Hindi yung pangarap kong JS Prom.
Yumuko ako sa desk.
Anlungkot.
Nagkagulo na mga classmates ko. Me bagong transfer kasi. Dumating na. Pakialam ko naman.
Kahapon pa yun in announce ni Maam.
" Dito na lang ako uupo..." Narinig kong me nagsalita.
Kinalabit ako ni Jandi.
" mmmm. Bess matutulog muna ako.."
Kalabit ulet. Me umupo sa tabi ko.
Maya maya dumating na si Sir Tanyag. Ganda ng last name ni sir.
Tamad akong komopya. Doodles lang ginawa ko. Tapos nagsulat ako ng kanta.
... Hatneuri bitnadon byori
Jo molli bitnadon byori
Ne mame neryowannabwa
Gaseumi seyojin byori
Gaseumi bitnadon byori
Ama noin got gata...
Buntung hininga.
" Mahilig ka pala sa CNBlue.."
Napalingon ako. Itinuro nya yun isinulat ko. Ngumiti siya.
" Napanood ko yung performance mo ang galing. Pwede ka ng maging writer."
Tango lang isinagot ko.
" Nag co cover ako ng songs nila kaya alam ko yang romanized version, gusto mong makinig mamaya?"
Tiningnan ko siya.
" Sige na bess gusto ko din marinig yong cover nya." Nakikinig pala si Jandi.
" Sige. " sagot ko na lang.
Pagkatapos ng klase pumunta kami sa gym. Andun daw kuya nya na magaling mag gitara.
Nanghiram siya ng gitara. Sinuot niya yung salamin niya.
" malabo ang mata mo ?'
Obviously. Ngumiti lang siya.
Tumugtog siya magaling nga mag gitara. Nang mag umpisa na siyang kumata nganga ako.
Shucks ang ganda ng voice.
Napangiti na ako.
Kinanta niya yung paborito ko.
Yung kinanta ni Yong nung JS Prom.
Nakatingin siya sakin tapos ngumiti siya ulet.
At para akong tanga na natawa.
Sungki kasi yung ipin nya sa gilid.
At ngaun ko lang napansin.
Cute din siya.
Tapos biglang umulan ng tuksuhan sa gym. Nakatingin kasi siya sa akin habang kumakanta.
Nag blush tuloy ako.
Feeling ko hanggang roots ng buhok ko.
... My eyes will only look at you
Will you only look at me too?
Let us be each others star....
---- e n d ----
BINABASA MO ANG
my superman
Fanfictioni love you and you love me, kaya lang hindi talaga pwede kahit ipilit ko pa...