JS prom.
Excited na ko.
Hindi sana ako aattend eh, kaya lang nag surprise si nanay me damit ng naka handa.
Kinausap ako ni JiHoo at nagtanung kung pwede daw ba akong maka date.
Si yongyong hinihintay ko kaya lang hindi naman siya nagsabi. Nakatingin lang.
Alangan namang ako magyaya. hmpft!
Pagtatyagaan ko na lang si Ji Hoo at least medyo malapit rin kay Yong .hihihi. insert kilig moments here. Hindi sana ako mabuko ni Ji Hoo nakakahiya. Sabihin pa manggagamit ako.
"Wow ang ganda ng anak ko ah, ' Si nanay yun naiiyak iyak pa.
" Nay, wag ka na magdrama dyan, kita mo magkakron ka ng wrinkles niyan.." pag aalo ko. Kala mo naman ikakasal n ako.
"Maaga ka umuwi mary Anne." sabi niya ng mahimasmasan.
"Opo."
"Sino nga bang kapares mo?"
"Si jiHoo po, yung anak ni Mrs. Kim."
"Susunduin ka ba non?"
"Opo daw eh."
Tok tok tok..
O hayan speaking of the devil si JiHoo na yata to..
Kinuha ko yung shoulder bag na bigay ni unnie Shin Hye at pumunta na ako sa pinto.
Maaga pa naman. Tamang tama yung dating ni JiHoo.
"Nay, aalis na po kami, " nakalingon ako kay nanay at dirediretsong naglakad nabangga ko tuloy si Ji Hoo.
"Ay sorry, " nanlaki mata ko.
"Hi sweetie." Nakangiti si Yong.
Tumingin ako sa likod niya. "asan si Ji Hoo?"
" nasa labas, kasama si Tifanny."
Nangulimlim ang mukha ko. Bakit kasama si Tifanny eh ako ka-date niya.
May iniabot si Yong. Flower bracelet ang cute.
"thank you. " hindi ako makatingin sa kanya.
" Ahm.. sweetie halika na " yaya niya.
Nagtaas ako ng tingin. Hinanap ko ulit si J Hoo.
"huwag mo nanag hanapin si Jihoo. " narining kong sabi ni Yong, napatingin ako sa kanya.
Nagtatanong ang mga mata ko.
"Ako ang ka partner mo."
Nanlaki siguro ang mata ko. Ngumiti kasi si Yong.
"pasensiya ka na hindi kasi kita matanong ng diretso." napakamot pa ito ng batok.
Nag ba-blush pa yata? Weehh. naman oh kilig tuloy ako.
"Pre ang tagal nyo naman! " Si Jihoo yun.
"Andyan na, " sagot ni Yong tapos tumingin sa akin, iniabot yung kamay niya sabay titig sa mata ko.
Homaygas.. matutunaw yata ako. Lunok ng konti pantanggal ng kaba.
Iniabot ko na rin yung kamay ko.
Ngumiti siya tapos sabay na kaming lumabas ng gate.
HHWWPSSP.
PDA ba? hahaha kilig na sobra eeeh babalitaan ko na lang kayo maya nag mo- moment pa ako ihh. hahahaha!
*holding hands while walking pa sway-sway pa
BINABASA MO ANG
my superman
Fanfictioni love you and you love me, kaya lang hindi talaga pwede kahit ipilit ko pa...