YONG POV -
Wow.
Anu pa nga bang masasabi ko?
She is so pretty.
Nabangga nya ako palabas ng bahay pero ang totoo ako ang may kasalanan.
Natulala kasi ako.
Simple elegance. Yan ang description ko sa kanya.
Ang ganda ng mata. Medyo chubby cheeks na ang sarap pisilin. Huwag naman kurutin wawa naman sweetie ko.
Tanung siya ng tanong kung nasaan si JiHoo kya sinabi ko ng totoo. Dyahe. Napakamot ako ng batok. Sana di makabawas sa pogi points ko.
Akala ko di niya iaabot yun kamay nya. Kasi parang nag aalangan pa siya. Nakahinga ako ng maluwag nung inabot nya ang kamay nya kaya di ko na binitawan.
Naglakad lang kami papunta sa school malapit lang kasi. Si JiHoo at Tifanny nasa unahan namin.
- - - - - - -
WOOBIN POV
Takte si Hero ba yun?
Nakakainis. Bakit andito yun, kasama pa yong asungot nyang barkada.
Hmm...
Holding hands? Sila na ba?
Sila na nga. Hehe.
Tamang tama mapapadali pag ganti ko sa mga ' to.
" Bin, naku naunahan ka ni Yong." Si Luhan yun isa sa mga barkada ko.
Tiningnan ko ng masama yuko naman siya.
" anong naunahan ? Akala mo me balak akong i date si Meann? Di pa ko nababaliw tol."
Pero bakit ganun. Parang nasasakal ako sa suot kong polo. Di ako makahinga.
Tssk.
Hinila ko na si Luhan at naglakad kami. Iisip ako ng plano para mapahiya tong mga asungot na to.
- - - - - - -
" ay di ba si meann yung kasama ni hero?"
" sila na ba?"
" holding hands...?"
Napalingon si Jandi sa mga nagsasalita. Si Meann daw ka holding hands si Yong?
Abat ang babaeng to ni hindi tumitingin sakin.
Kumaway sya.." Maemae! Maemae!"
Napatingin si Mary Anne sa tumatawag.
Sabay kaway. Pupunta siya kay Jandi eh hindi bumibitiw si Yong.
" Ah Yongyong punta muna ako kay Jandi. " sabay lingon dito.
" Sure sweetie halika pakilala mo ko bestfriend mo siya di ba?" sagot nito sabay lakad .. E di no choice kundi sumunod. Ipapakilala? Kilala na kaya si ni Jandi araw araw ba naman daldalan ni Mary Anne tungol sa kanyang superyong.
" ahh.. Sige.." Nahihiya niyang sagot. Pinagtitinginan sila ng mga kaklase.
Ang dami kasing may crush kay Yong sa school. Ikaw ba naman star player sa track and field. Kasama pa niya palagi si JiHoo ang leader ng Tricksters, official dancers ng school.
" Ang ganda mo bessie!" Bati ni Jandi.
" Ikaw din bess. Sino nga pala ang partner mo?"
"Ehem. Ako Maemae."
Napatingin si Mary Anne sa nagsalita. Oh ang cute naman. Bumalik ang tingin niya sa kaibigan. Namumula ang pisngi. Hahaha. Kilig yan for sure. Crush kasi niya si Hyunnie nuon pa.
Si Hyunnie o John Hyun Lee ay panlaban sa judo. Naka kuha na ito ng gold medal nung intrams. Naglaban laban ang 4 na school at ito ang top player.
" Hyun. Kamusta pre?" Si Yong yun.
Nagkatinginan sila ni Jandi.
" Magka kilala kayo?" Sabay pa sila nagtanong.
" Oo, pinsan ko siya." Sbi ni Yong.
Inakbayan ni Hyunnie si Yong sabay tango.
"Ikaw bes bakit di mo sinabi na kayo na pala ni Yong?" Bulong ni Jandi.
Nangunot ang noo ni MaryAnne.
Kami na? Kelan pa?
" Bess ok ka lang? Alam ko sinasabi kong crush ko siya. Paano magiging kami kung di sya nanliligaw?" Bulong nya pabalik.
" yun kasi bulungan kanina pagdating nyo."
" weh buti pa sila alam nila ah. Ako hindi." Natatawa niyang sagot.
Nagulat sila ng tumapat sa mukha nla yun mukha nung dalawa.
" anong meron kanina pa kayo nagbubulungan?" Si Yong yun.
Napaatras siya. Ang lapit naman kasi ng mukha nito.
" Uy tama na yan mag uumpisa na ang program. Pinapipila na yung sasayaw." Si JiHoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/28578199-288-k742793.jpg)
BINABASA MO ANG
my superman
Fanfictioni love you and you love me, kaya lang hindi talaga pwede kahit ipilit ko pa...