My Daily Planet

50 4 0
                                    

kapag nakita ninyo ito - - - -  ibig sabihin change of POV

==================================================

Pabalik na ako galing sa tindahan ng maka salubong ko si Yong.

" Hi sweetie, " sabi niya sabay ngiti.

Tiningnan ko siya at bahagya lang akong ngumiti. Lumakad na ako pauwi.

Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. 

Hay puso huwag kang ganyan baka marinig ka niya.

Hindi pa ako nakakalayo, narinig ko yung boses ni Ji Hoo. 

" Meann! "

Lumingon ako. Nakatingin si Yong sa akin.

Tumaas ang kilay ko. Lumapit naman si Ji Hoo.

" May ka-partner ka na ba sa JS?" 

Junior-Senior prom yun. Di ko nga alam kung aatend ako eh.

Wala kasi akong balak pumunta hindi ako mahilig magpaganda at hindi rion ako mahilig mag dress.

" Ha? baka di ako pumunta eh. "

" Bakit naman?" Si Yongyong, nakalapit na pala ng di ko namamalayan.

Tiningnan ko siya. Nakangiti siya. kita yung sungki niya na lalong nag papa cute sa kanya.

Lumipat agad ang tingin ko kay Ji Hoo.

Yung puso ko kasi gustong lumundag papunta kay Yong.

Di na ako nakasagot kasi si nanay sumigaw na.

" Menggaaay!" Ouch !  Ang panget naman ng tawag ni nanay.

"Andyan na po..." Lumingon ako sa kanilang dalawa tsaka ngumiti.. tumakbo na ako pauwi..

Si nanay talaga wrong timing..

- - - -

Si Nanay Wheng talaga oh. Tawagin ba naman na Menggay yun sweetie ko.

Napailing na lang ako. Tumakbo na pauwi si Mary Anne.

"Sayang, ' sabi ni Ji Hoo.

Tiningnan ko ito.

"Pre aminin mo nga sakin, me crush ka ba kay Mary Anne?" tanung ko.

Lumingon naman sa akin si Ji Hoo. Sumimangot.

'Ikaw nga inilalakad ko di ba?"

Napatango ako, mabuti nang malinaw no.

Lumakad na kami pabalik sa tindahan.

Kung bakit naman kasi, di ko siya matanong ng diretso.

Di naman ako natotorpe, kaya lang kapag nandiyan na siya sa harap ko wala akong masabi titingnan ko na lang siya.

Tinapik ako ni Ji Hoo sa balikat, " Matagal pa naman yung JS may dalawang linggo ka pa."

Tumango na lang ako ulet.

Hintay na naman ng pagkakataon.

- - - - 

Hmm. Nag-usap na naman ang dalawang yon.

" Bin, " Si Kim yun isa sa mga tropa ko. Lumingon ako dito ." Malapit na pala yung JS."

JS? Ah oo nga pala. May party para sa graduating class. Junior - Senior Prom.

Kasama ang mga third year o junior kung tawagin.

Meron nga palang party sa ikalawang linggo. Malamang marami ang aattend. Huling party kasi iyon para sa senior class.

" Meron ka na bang ka partner?" Si Kim ulet.

Partner? Ako pa ba nawalan? Hindi naman sa pagmamalaki gwapo kaya ako.

Kaya tuwing may party hindi ako nawawalan ng kapares.

Sinundan ko ng tingin si Mary Anne. Tumatakbong pauwi sa nanay nya.

May naisip ako, kaya lang imposibleng mangyari.

Tiningnan ko ulit si Mary Anne papasok na sila ng nanay niya sa loob ng bahay.

Napailing na lang ako. Imposible talaga.

Lumakad na kami ni Kim palayo.

Iniisip ko pa rin si Mary Anne.

my supermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon