" kamusta ang test?" Si Ji Hoo yun. Close friend ko. Top three sa klase pero tuwing matatapos ang exam parang insecure sa scores di mapakali.
Ang totoo hindi naman ako kasama sa top ng klase pero ka close ko ang nasa top ten. Hindi naman ako tamad mag aral pero di rin ako masyadong nagsusunog ng kilay para lang makuha ang mataas na pwesto.
Ako nga pala si Hero. Yong Hero Jung. Pero mas kilala sa tawag na Yong o Yongyong. Kung ako papipiliin Yong eh ok na kaso nauso yang inuulit na pangalan tulad ng Bebe, Nene, Johnjohn at ayun ng tinawag akong Yongyong.
Ayos lang sakin lalo na kung ang tatawag sa akin nun si Mary Anne.
Bakit? Simple lang. Crush ko siya eh.
Ops! Huwag ka muna kiligin dyan.
Bakit ko siya nagustuhan?
Hmm..Bakit nga ba?
Simple lang siya, sa pananamit at pagaayos. Sa pagkilos at pagsasalita.
Walang ekstra ordinaryo.
Maliban na lang na siya ang itinitibok ng puso ko.
Corny? Tatanong tanong ka tapos sasabihin mp corny. Naku wag mo na kong tanungin.
Nakilala ko siya minsang nag ba bike kami ni Ji Hoo sa kalye nila. Naglalakad siya may dalang isang bag ng bigas. Napagtripan nila Woo Bin, patirin ba naman?
Nadapa siya. Pero di siya umiyak. Sinugod niya ng sapak si Woo Bin. Iniwan yung bigas niyang natapon sa gitna ng kalsada.
Dugo ang ilong no Woo Bin, di na sana ko makikialam kaso nakita kong pinaligiran siya ng barkada nito at itinulak tulak.
E di nag ala Robin Padilla ang lolo nyo. Pinadaan ko yung bike sa pagitan ng mga siga. Hinto sila. Susugod sana sakin kaya lang nakita ako ni Woo Bin, eh yung kuya kong si KH girlfriend ang ate niya. E di awat siya. Sabay alis pero tinitigan muna ng masama si Mary Anne.
Kuya ko si KH o mas kilala bilang Kyuhyun. Kiro Hyun Jung real name niya. Girlfriend niya si Amy Lee, mas kilala bilang Ailee singer siya pero si pa masyadong sikat. Mabait at palabiro. Gusto siya ni Omma para kay kuya pero wag daw muna mag aasawa.
Hahah andaldal ko. Dami ko na nakwento. Sige. Baka sa susunod na chapter POV ni Mary Anne mabasa niyo.
Ciao baby!
BINABASA MO ANG
my superman
Fanfictioni love you and you love me, kaya lang hindi talaga pwede kahit ipilit ko pa...