Parang Kryptonite

53 4 2
                                    

Ang galing sumayaw nila JiHoo.

Napapalakpak talaga ako.

Tapos yung expression niya habang sumasayaw . wow. As in wow!

Pagkatapos ng sayaw nila lumapit na siya sa amin. Isang table lang kaming anim.

Si Jandi with Hyun, Tiffany with JiHoo at ako kasama si superman.

Hahaha!

Feel ko talagang tawagin siyang superman. Mula nung tulungan niya ako sa barkada ni Woobin.

Speaking of the devil.

Pumasok ang barkada nila.

Tumingin sa amin nung makitang nakatingin ako ngumisi.

Hmpft! Batuhin ko kaya to ng sapatos ko.

Iniwas ko yung tingin ko panira ka talaga ng gabi WooBin.

" Sweetie, wag mo ng pansinin. "

Napatingin ako kay Yong. Napansin pala niya.

Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinalikan.

Waaaaaah.

Na stop yung paghinga ko.

Seconds lang. Lunok.

Sabay titig sa mata ko.

Oh.. Ang ganda talaga ng mata niya.

Iwas ako.

Huwag kang ganyan.

Kinikilig ako ee. Hahahaha!

I minus na lang yung si Woobin perfect na ang gabi ko.

Maya maya sayawan na syempre, partner kami. Sumayaw ng grupo.

Snake dance na inumpisahan ni Hyun. Tapos umikot ikot pa kami sa buong quadrangle ng school. Dun kasi ginanap ang JS prom.

Ang saya saya.

Nauna na akong umupo kasi nakakapagod. Kumuha naman ang boys ng food.

Sila Tiffany at Jandi nag cr. Nakangiti ako full blast.

" Masaya ba ang party?"

Nagulat ako. Dahan dahan akong lumingon. Si Woobin.

Tumaas ang kilay ko.

" Bakit ba pag nakikita mo ko nakasimangot ka. Panget ba ko ha?"

Tanung niya habang umuupo sa kaharap ko na upuan.

" Pwede ba! Hindi ba ikaw yung pumatid sa akin? Inaano ba kita?" Pagtataray ko naman.

Hindi ako natatakot sa kanya.

Kasi yung mga bully, maraming hang up yan kaya nang bu bully.

Natahimik naman siya.

Tapos tumingin sakin.

" Pag nag sorry ba ako hindi ka na magtataray?"

Nagulat naman ako.

Tiningnan ko siya.

Seryoso?

Hindi ako naniniwala.

Mokong to eh.

Iniwas ko ang tingin. Ang tagal naman nila Yong. Tiningnan ko yun pila. Andun sila nagtatawanan. Bilisan nyo na.

" Kayo na ba? Kaya ka ba masunget sa kin?" Tanong.

Tiningnan ko siya.

" Alam mo hindi kita maintindihan. Galit ka tapos ngayon anu to? Niloloko mo ba ako? Pwede ba maghanap ka ng ibang aasarin."

Nanggigil ako pero pinigil ko.

Dumating sila Yong at tumayo ako.

Tumayo din si Woobin.

" Eto ba ?" Sabay turo kay Yong. " Ipinagmamalaki mo tong uhugin na to!"

Kinuha niya yung juice na nasa tray sabay saboy ng laman nyon.

Nagulat ako.

Basangbasa yung dress ko. Mula sa dibdib hanggang sa laylayan.

Ibinaba ni Yong ang tray pag baling sbay sapak kay Woobin.

Nagulat lahat.

Awat agad si Ji Hoo. Si Hyun naman humarang sa harap. Lumapit kasi mga barkada ni Woobin.

Kinuha ko yung bowl ng salad.

Ibimuhos ko kay Woobin.

Nanlaki mata niya.

Loko talaga panira ng gabi.

Kainis.

my supermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon