BRYE
•••
Pagkalabas ko palang ng arrival area ng airport ay bumungad na sakin ang malakas na hiyawan ng mga tao. Most of them are girls holding his posters, some have huge banners with my name written on it while others are holding up their camera and taking photos and videos of me. Good thing I'm wearing my shades and mask. Kagagaling ko lang straight from Japan para sa world tour ko and I'm exhausted as fuck.
Lumiit ang daanan nang magsiksikan na ang mga fans at pilit na inaabot ako. May dalawang bodyguard sa harap ko at ang iba ay nasa magkabilang gilid ko. Gustuhin ko sanang pagbigyan ang bawat isa sa mga fans ko pero hindi pwede. Kumaway nalang ako sa mga ito at kinukuha ang mga regalo nila sa akin.
Hanggang sa labas ay nagsisunuran ang mga fans. Mabuti nalang nag-aabang na doon ang van na susundo samin. Mabilis akong pumasok sa loob pero hindi din naman nakaalis kaagad kasi nga nakapalibot sa van naming ang mga fans kaya mukhang malabo pa kami makaalis ng tahimik rito.
"Brye! I love you!
"Brye!!!!!!! Akin ka nalang!"
"Bagay talaga kayo ni Selena!"
Halos mabingi na ako sa lakas ng mga sigawan ng mga tao sa labas. Pagod na pagod na ako mula sa byahe kaya gusto ko ng matulog at magpahinga pero hindi pa pwede. Kinawayan ko nalang ang mga tao sa labas dahil sila ang dahilan kung bakit ko naabot ang kinatatayuan ko ngayon.
Kahit na nasa loob na kami ng van, hinahabol parin kami ng mga fans.
"Your fans are crazy as hell." Sabi ng manager kong si Dino.
"But they're the best. Fuck, I'm so tired!"
"Mamaya pagdating natin sa hotel magpahinga ka muna then we'll have a meeting for the fan contest at iyong mga schedules mo dito. After years, nakabalik din tayo dito sa lupang sinilangan natin." maarteng sabi ni Dino.
I just nodded but didn't replied. Kung hindi lang sa Daragon Entertainment, I will never step foot here in the Philippines again. I don't want to remember the bad memories she left for me here. Napamura ako ng mahina nang maalala nanaman siya.
Nang makarating kami sa hotel, napabuntong-hininga ako nang makita nanaman ang fans. I just don't get how they can manage to get my schedules and my whereabouts. Fans are so scary sometimes but I'm thankful that they're here to support me pero nakakapagod kasi minsan at napapahiling nalang ako na sana mapag-isa ako kahit sandali.
Nang makapasok kami sa hotel, dumiretso na ako sa kwarto ko at humilata sa kama. Siguro nasa dalawang oras na rin ako nakakatulog nang biglang pumasok si Dino.
"So, let's discuss your schedule for tomorrow, Brye." dire-diretsong pasok nito habang nakatingin sa tablet na hawak. Sa leeg nito ay isang kulay pink na scarf na ang sakit sa mata.
"Bakit bukas pa? Wala ba kong schedule ngayon?" tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Your Number One [Editing]
RomanceSam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Pero hindi pala ganoon kadali iyon, hindi pala kaya na puro pagmamahal lang. Kailangan din nila maging...