BRYE
•••
"Okay, cut!" narinig kong sigaw ni direk pero hindi parin ako pinapakawalan ni Tracy. She's still kissing me. Hindi ako makapalag kaya mahinang tinulak ko siya at tinitigan.
Somehow, for like five seconds, I thought I saw her as Sam, the woman I hate. Kaya agad kong inalis sa isip ko iyon. Tumingin ako sa paligid and I saw all the staff na nakatitig lang samin.
"Great take you two!" sigaw ng director.
"Tama! Nakakadala! Kayo ba? Kasi parang natural lang sainyo ang kiss!" sabi naman ng assisstant director.
"No, we're not together but we'll never know, right Brye?" she shyly said and then looked at me with hope in her eyes.
Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagtanaw sa isang babaeng naglalakad palayo. Malayo na siya pero alam ko na si Sam iyon. I didn't saw her face since she was far but I just shrugged it off. Wala naman dapat akong pakielam sakanya o sa kung ano man ang nararamdaman niya.
Inalis ko na ang pagkakayakap sakin ni Tracy sa braso. Sa totoo lang, pinakikisamahan ko lang itong si Tracy dahil sa trabaho at ngayong tapos na ang trabaho ko kasama siya, wala na kong pakielam.
Pumunta ako agad kay Dino na mabilis naman akong inabutan ng tubig.
"Thanks." sabi ko pero may inaabot ulit siya sakin. "Ano iyan?" tanong ko sakanya.
"Toothbrush at toothpaste. May mouthwash din diyan. Gamitin mo as in now na. Brye, kapag may germs na iyang bibig mo baka malaos ka. Dali na! Gora na sa banyo at huwag kang titigil sa pagkuskos sa bunganga mo hanggat hindi malinis iyan ha!"
Natawa naman ako kay Dino. Sa tagal naming magkaibigan ganyan talaga siya ka-OA.
"Silly! Kapag narinig ka ni Tracy diyan patay ka dun."
"Ay wiz akong pake! Teka, before I forget, mamaya may dinner date ka ha?"
"Huh? Kanino naman?" tanong ko sakanya.
"Kay Sam." he said casually.
"No way." agad na tanggi ko sakanya.
"Hep hep! Bawal umurong!" pagbabanta niya sakin. He even pointer his finger at me.
"And why not?"
"Isusumbong kita kay Mr. Kwon kapag hindi ka sumunod! Aalam mo naman iyon, sa akin lang nakikinig." pananakot niya sakin.
Aangal pa sana ako pero mabilis din na napigilan ni Dino. "Hindi na, huwag ka ng umangal. C'mon, Brye. Can't you just be civil with her? Walang masama doon, don't be so hard to Sam. Tsaka, tell it to her face if ever masama pa din loob mo sakanya hindi iyong lagi ka nagsusungit diyan. Ay hindi bagay, be."
Huminga ako ng malalim at tumango nalang. Kapag ang nag-utos talaga ay si Dino at panakot pa ang boss nila, hindi na ko pwedeng pumalag. It's just dinner. Kaya ko naman siguro kasama si Sam nun. Hindi nalang ako magsasalita.
•••
SAM
•••
BINABASA MO ANG
Your Number One [Editing]
RomanceSam and Brye used to be madly in love with each other. Hindi importante na kapos sila parehas sa pera, kasi para sakanila sapat na ang isa't isa. Pero hindi pala ganoon kadali iyon, hindi pala kaya na puro pagmamahal lang. Kailangan din nila maging...