YNO#3

45.8K 664 40
                                    


SAM

•••••••

"So, ginanun ka ng ex mo na yun? Aba! Wala siyang karapatan! Hindi niya alam ang mga pinagdaanan mo! Hindi niya alam na--"


Bago pa man maituloy ni Weng ang kanyang sinasabi, pinutol ko na agad-agad.


"Hindi naman talaga niya alam eh."


"Kasi nga hindi mo sinabi! Akala ko ba aamin ka sakanya? Akala ko ba hindi mo na sasayangin 'tong chance mo na 'to?"


Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa paggawa ng mga coffee and blends.


"Max, hatid mo na ito sa table ten." utos ko sa staff ko. Pagkatapos ay si Weng na ang binalingan ko na nakaupo sa may counter.


"Hindi ko naman sasayangin eh. I tried telling him last night pero syempre nagalit siya nang makita ako tsaka natakot na din ako eh. At isa pa, umalis ka nga jan sa counter! Abala ka sa mga staff at customer eh! Doon tayo sa office."


"Okay, chill! Hot ka masyado."


Sumunod naman sakin si Weng at pumunta na kami sa may office namin kung saan tambayan namin ni Weng.


"So ano ng plano mo ngayon?" pagtatanong niya.


"Siguro naman by the end of the five-day work ko nasabi ko na sakanya lahat. Kaya habang wala ako, ikaw muna ang bahala dito. Mahirap ang pinagdaanan natin para mapundar 'tong Twisted Hangout kaya umayos ka Weng."


"Oo! Ano ba? Kahit ganito ako, may professionalism naman ako sa katawan. Tss. Goodluck talaga beb! Sana magtagumpay ka jan sa 'operation-ibalik-sakin-si-Brye-ko'"


Natawa naman ako sakanya dahil sa sinabi niya. Sana nga ganoon kadali na mapatawad siya ni Brye pero alam ko naman na wishful thinking lang iyon. I just want to say how sorry I am and it was never my intention to disappoint him.


"Beb! Si Brye mo oh nasa news!"


Lumingon naman ako sa kakabukas niya lang na TV na ang gwapong mukha ng Seth niya ang nasa TV.


"Mr. Lee, Ano po plano niyo sa papunta dito sa Pilipinas?" tanong ng reporter kay Brye.


"Well, I will have my concert here but for the meantime, I accepted offers to make TVCs and some cameos for some TV series. But I'm concentrating for my upcoming concert."


"Wow. That's a lot of projects. Hindi ka ba napapagod?"


"Hindi naman. Pero minsan, syempre oo. Kaya nga, I'll take this chance para makapagpahinga naman ng konti."


Your Number One [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon