YNO#11

31.6K 473 23
                                    

BRYE

•••

Nandito ako ngayon sa kwarto kasama si Lian. Actually, we hanged out before but I think two times lang pagkatapos noon wala na kaming balita sa isa't isa. Kaya nagulat ako nung nalaman ko na siya makakapareha ko sa music video. We catched up sa mga nangyari samin, and syempre napapansin ko ang madalas na paghawak niya sa braso ko at ang pagyakap niya sakin.

Malinaw sakin ang ginagawa niya, she's flirting with me. Ako naman hindi ko nalang pinansin.

Pinakuha ko kay Sam ang mga scripts kasi balak na namin ni Lian magkabisa ng mga lines and pag-usapan ang mga gagawin namin. But I never imagined na magkakainitan silang dalawa. Yes, alam ko na mataray si Lian but what surprised me is when Sam got pissed and fought back. Tinarayan niya rin si Lian.

That time I want to laugh, kasi ngayon ko lang nakitang ganon si Sam but I restrained myself from reacting in such way. Nakialam na ko nang magsasampalan na sila kasi baka kung san pa mapunta ang away nila. Pinalabas ko nalang si Sam and asked her to tell the kitchen staff about the juice.

Hinihintay namin ang juice na binilin ko kay Sam pero walang dumating dahil nalaman ko na wala palang sinabi si Sam sa staff. Secretly, napailing nalang ako. I never thought Sam as a rebel.

Natapos na ang practice namin ni Lian. Even though I'm aware of her advances, I kept it professional. Lian is beautiful but she's not my type. I can flirt but that's it.

Pumunta na ko kay Dino pagkatapos dahil kakain na. Kanina ko pa hinahanap ito pero wala si Dino. Madilim na din pati sa labas. Napansin din niya na yung ibang staff ay wala rin. Nakita ko naman ang isa sa staff na nakatayo sa may pinto na parang may hinihintay. So lumapit ako.

"Nakita niyo po ba sila Dino?" tanong ko.

"Wala pa sila eh. Lumabas sila at hinahanap si Sam." sagot nito.

"Bakit? Nasaan ba si Sam?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi nakita ko siyang lumabas kaninang hapon, parang naiinis nga eh at kinakausap ang sarili. Pero nung mga bandang 6:30pm na po wala pa siya kaya sinabi ko kay Dino, ayun, nagpasama sa ibang staff para hanapin, may nakapagsabi po na nasa forest trail daw pumunta si Sam, pero delikado na daw sa forest trail kapag gabi na dahil madilim masyado at walang ilaw doon. Tapos ayan pa, bumuhos pa ang ulan, madulas na tiyak doon. Nag-aalala na nga ako kay Sam eh." mahabang paliwanag ng kausap ko na staff.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tulad ni Dino, kilala ko si Sam. Takot siya sa madilim at napaka-lampa nun. Kaya siguro ganoon din ang pag-aalala ni Dino.

Inaamin ko, I still care for Sam. May pinagsamahan kami eh. But not as the same way as before, the care that I'm feeling is for an old friend. Iyon lang.

Lalabas na sana ako para tumulong sa paghahanap ng biglang lumabas si Lian na nakasando and shorts. Agad naman itong yumakap sa braso ko.

"What's wrong?" tanong nito.

"Uhm, nothing, lalabas lang ako saglit."

Bibitaw na sana ako sa yakap niya pero hindi ko na natuloy dahil dumating na ang hahanapin ko sana. Basang-basa ito ng ulan. The water is dripping on the floor. She's shaking because it's cold. Nakatingin siya sakin then bumaba ang tingin nito sa braso ko kung saan nakayakap si Lian sakin.

"What happened to you?" tanong ni Lian.

"Naglaro sa ulan. Masaya siya, try mo! Labas na!" Sam answered sarcastically. She blankly stared at me and walked passed me.

•••

SAM
•••

"SAM!!"

Brye?

Siya ba yung tumatawag sakin? Teka, baka nabibingi ako.

"HERE!"

Pero nadismaya ako when Dino came out of nowhere. May mga kasama ito. Nalungkot ako bigla kasi hindi si Brye ang nandito. That made me think na wala na talaga itong pakialam sakin. Na kahit mamatay ata ako dito, he will not care anymore.

"Sam! Oh my gosh! Kanina ka pa namin hinahanap! You're soaking wet. Let's go back baka magkasakit ka pa."

Pinulupot naman ng isang staff ang tuwalya sakin para hindi ako lamigin. We headed back sa cabin, pero sana hindi muna kami bumalik kasi ang panget ng nakikita ko ngayon.

Lian's standing beside Brye. Nakayakap pa ito sa braso ng lalaki. At ang suot niya! Napaka-ikli!

Then I remembered they were left alone in Brye's room. I can't stop what's running on my mind right now.

Damn, ang sakit ha.

"What happened to you?" tanong ni Lian sakin. I noticed that she is stifling a laugh.

What a bitch.

"Naglaro sa ulan. Masaya siya, try mo! Labas na!"

I immediately went to my room. Tinanong pa ako ni Dino kung okay lang ba ako kaya sabi ko nalang na okay ako para hindi humaba ang usapan. I said my thank you's sa mga kasama ni Dino tapos ay nilock ko na ang pinto.

Napasandal ako sa pinto at huminga ng malalim. I bit my lip when I could't hold back my tears anymore.

I laid on the couch and hugged myself as I cry silently.

I'm so exhausted and didn't have the energy to eat or even change clothes. Nakatulog nalang ako.

Your Number One [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon