Stuck With You • 7

1.2K 33 20
                                    

Ayoko sanang sumama ngayon sa laro nila Cj at Brent. Lalo na makikita ko nanaman si Dwight fucking Ramos. Pero I had no choice kasi hindi naman papayag si Brent at Cj na hindi sila kasama. Lalo na first time ko na pupunta sa ob-gyn.

“Mabilis lang 'to, tapos diretso na tayo sa doctor.” tumango lang ako. Cj was really strict when it comes to me, ayaw na ako pagbuhatin ng kung ano-ano.

Tsaka, anong mabilis lang? Eh game 'to? As if hawak ni Cj yung oras ng laro?

“Hindi ba masikip yang shorts mo?” Brent asked.

I looked down at what I was wearing. Wala pa naman akong baby bump kaya kasya pa sa akin yung ibang shorts ko. Paranoid lang si Brent at Cj kasi nakita nila yung meme nung manika na napipi yung ulo.

Napahawak ako kay Brent kasi natawa ako nung naalala ko yung meme. “Tangina mo,” bulong ko kay Brent at tumawa.

Everyone looked at me like I was weird. Pinakyuhan ko lang yung teammates nila nung nakatalikod si Coach Aldin.

“Okay, pag may lumapit na bola sayo mamaya, punta ka sa gilid ha?” paalala ni Cj. Tumango ako, he made sure that my seat was near the exit para raw pag may biglang bola na patama sakin ay makaka-ilag ako agad.

I wanted to roll my eyes but I was too touched at their gesture.

Tanginang hormones.

I was scrolling on my phone, nagreresearch sa kung anong bawal at pwede sa buntis, two months na ata ako or three? Hindi ko alam. Basta, hindi ko na stinastalk si Dwight kasi naiinis ako sa mukha niya.

Tanginang mukha yan, ang gwapo.

“They broke up.” inangat ko ang tingin ko, it was Eli.

Eli sat beside me casually, as if hindi siya maglalaro mamaya.

“Huh?” nagmamaang-maangan pa ako.

“Kuya and Kiara, they broke up... Again.”

“Tapos?”

“Hay nako, Sabby!” he threw his hands up and groaned. Cute. “I want you for Kuya okay?” umiling siya. “Man, you're slow!”

Sabunutan ko kaya 'to? Once lang.

“I don't want him.” pinaningkitan ako ni Eli ng mata.

What? Do you think i'm a liar?

“Okay, whatever floats your boat.” I rolled my eyes and Eli just smiled at me. Tumayo na siya at nagpaalam na, magpapalit na ata siya ng uniform at magsisimula na maya-maya yung laro.

Hindi na ako nanonood after the first quarter. 

Nung magsisimula na sila, Dwight caught my eye and was staring at me throughout the first quarter. Partida nasa loob pa siya ng game. Hindi ata enough na pinakyuhan ko siya at titig na titig siya sa akin.

Ano? Dahil break na sila ni Kiara? Di ako rebound no!

Buti nalang pumayag sila na matulog ako sa dugout kasi inaantok ako bigla. Nasabi na rin ata ni Cj at Brent kay Coach na buntis ako kaya pumayag siya.

Ateneo won.

Lumabas ako dahil magsisiligo at magsisibihis na sila. Wala naman akong trip dun kaya lumabas nalang ako at naglakad-lakad.

Saan kaya ako makakabili ng lumpiang sariwa dito? Nagugutom kasi ako, gusto ko nung wrapper. Pag lumabas ba ako ng arena magagalit si Cj?

Pero iihi muna ako kasi ihing ihi na ako.

“Hey!” kumunot ang noo ko. Ano bang meron sa cr na 'to at lagi kaming nagkikita dito?

“Ano?” masungit na sagot ko at humarap sakanya.

“Are you still mad at me?” umiling ako.

I started to walk away kasi hindi ko talaga siya kayang makita. Dwight was wearing shorts and a simple black shirt na di ko alam kung supreme ba or kung ano yung tatak, and his hair was slicked back. Umiwas na ako, baka lumuhod ako bigla, kasama shorts niya.

“Then why are you avoiding me?” naglalakad na kami pareho and I am so frustrated.

Sexually. Sexually frustrated. Tanginang hormones.

“I'm not avoiding you,” masungit na sabi ko.

“Then why are you like that? Masungit!” Pinigilan ko yung ngiti ko. Tangina ang cute! Nilakihan pa niya talaga yung mata niya na hindi ko gets, pero sana makuha nung baby.

Paawa!

“Are you on your period?” umiling ako. Tanginang tanong yan? Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan kasi gago ka, pull out game mo weak.

“Wala.”

Dwight wasn't satisfied with my answer kaya pumunta siya sa harapan ko. Bakit walang tao? Bakit ganito?

“Isabel,” seryosong sabi niya.

I'm scared na. “Dwight.” inalis ko ang tingin ko sakanya at tumingin nalang sa sapatos ko.

“Look at me,” he gently grabbed my chin to force me to meet his eyes. “What's wrong?”

“Wala nga, may lakad pa ako.” I tried my best to walk away but for some weird reason, hindi ko matalikuran si Dwight. Plus wrong way yun, edi napahiya pa ako.

“Isabel! Yung doctor's appointment mo! Tara na!” Brent shouted. I closed my eyes and balled my fist in frustration.

Dwight looked at me with curiosity. “What's wrong? Are you sick?” he asked and started to feel my forehead and if it was hot.

Wag mo kong hawakan! Baka bigla kitang sakyan!

“Bilis! Gusto ko na makita si baby!” Brent shouted. I took a deep breath and raised my middle finger.

“B-baby?” tumango ako.

Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito. “Dwight,” sabi ko. Lalong kumunot ang noo niya. “Isa kang mother fucker.”

“Minumura mo ako?”

Umiling ako. “Mother fucker ka, Dwight.” lumapit na si Brent sa amin at mukhang narealize niya agad ang ibig kong sabihin.

Nanlaki ang singkit na mata ni Brent, “Dwight Ramos got you pregnant?” he whisper shouted.

Tumingin sa akin si Dwight at sa tiyan ko tapos pabalik sa akin. “Oh shit.”

Stuck With You • Dwight Ramos Where stories live. Discover now