"ANO na'ng plano mo ngayon, Krystel?" narinig niyang tanong ng matalik na kaibigang si Chloe Valdez.
Ibinaba ni Krystel ang tingin sa tasa ng kape na nasa harap. Naroroon sila sa isang coffee shop na malapit sa Sunshine Dream Arts Gallery sa Makati City. Sa coffee shop na iyon nagtatrabaho bilang part-time staff ang kaibigang si Chloe. Naging magkaibigan sila dahil na rin sa madalas niyang pagpunta sa coffee shop na ito tuwing magbe-break.
Kanina ay ikinuwento niya kay Chloe ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Kailangan niya lang nang mapaghihingahan ng bigatin sa kalooban.
"Hindi ko alam," nanlulumong tugon ni Krystel. "Gulong-gulo na ako. Gusto kong matulungan si Daddy, ang pamilya namin. Pero napakahirap naman na ialay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko pa nga nakikilala."
Bumuntong-hininga si Chloe. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkaawa dahil sa sitwasyon niya. "Napakahirap talaga kapag financial problem na ang usapan. Ako... halos buong buhay ko ay inilagak ko na sa pagtatrabaho para may maibuhay sa pamilya ko, para may maipa-aral sa mga kapatid ko. Alam ko na napakahirap ng pinagdadaanan mo, Krystel. At nakikita ko rin na gustong-gusto mo talagang makatulong."
Hindi na talaga alam ni Krystel kung paano magdedesisyon. Kung magiging makasarili lang siya ay madali lang ang lahat ng ito. Pero hindi. Hindi siya pinalaki ng mga magulang na maging makasarili. At hinding-hindi niya magagawa iyon, lalo na at involved ang pinakamamahal na pamilya.
"Di ba may boyfriend ka?" tanong pa ni Chloe. "Iyong... iyong minsang kasama mo dito? Hindi ko na nga lang tanda ang pangalan n'ya."
Ilang sandaling nanatiling tahimik lamang si Krystel. Inilipat niya ang tingin sa glass wall ng coffee shop para pagmasdan ang mga tao sa labas. Lahat ng mga taong nakikita ay may kanya-kanya ng ginagawa. Pero alam niya na lahat ng mga taong iyon ay may sarili ring pino-problema sa buhay, katulad niya. Ang iba pa nga ay mas higit pa.
Kailangan niya lang magpakatatag. Kailangan niyang magdesisyon ng tama. Ang bawat desisyon na kanyang gagawin ay may katapat na konsekuwensiya.
"Ano ang priority mo sa buhay, Chloe?" naisipan ni Krystel na itanong sa kaibigan, ang tingin ay nasa labas pa rin.
Tumikhim si Chloe. "Well, sa ngayon... ang priority ko ay ang pamilya ko. Ang mabigyan sila ng maayos na buhay. Simula nang mamatay si Inay at naging lasinggero si Itay, ipinangako ko na sa sarili ko na bibigyan ko ng maayos na buhay ang mga kapatid ko. Na hindi ko sila itutulad sa akin na nagpakahirap para lamang makatapos ng pag-aaral. Ayoko silang maghirap. Mahal na mahal ko ang family ko at nakahanda akong gawin ang lahat para sa kanila."
Tiningnan ni Krystel ang kaibigan. "At ang happiness mo?" tanong pa niya.
Umismid si Chloe. "Matagal ko nang isinantabi 'yon. Mas mahalaga sa akin ang pamilya ko at ang kapakanan nila. Masaya na akong makitang masaya sila. Ano'ng point kung magiging masaya akong mag-isa at naghihirap naman sila?"
Iniyuko ni Krystel ang ulo. May punto ang sinabi ng kaibigan. Ano nga namang silbi kung maging masaya siya mag-isa pero maghihirap naman ang pamilya? Her family was still the best treasure she had in this world.
Right. Mahalaga sa kanya ang sariling kasiyahan. Mahalaga sa kanya ang sariling kalayaan. Mahalaga sa kanya ang sariling mga pangarap. Pero mas mahalaga doon ang kanyang pamilya. Sa buong buhay niya, ibinigay ng kanyang mga magulang ang lahat-lahat para lamang maging masaya siya. Oras naman para ibigay niya naman ang makakapagpasaya sa kanyang mga magulang. Kung ang pagpapakasal niya lamang sa lalaking makakatulong sa negosyo ng kanyang ang ama ang tanging magagawa para mapasaya ang mga ito, gagawin niya. She just loved them so much that she was willing to sacrifice herself.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 3: Jefferson Sioux
RomanceNagsimulang magbago ang buhay ni Krystel nang malugi ang negosyo ng kanyang ama. At para maisalba iyon sa tuluyang pagkawala ay kailangan nito ang kanyang tulong. She was forced to marry Jefferson Sioux, a business magnate who was the only one who c...