Chapter 10

3.6K 110 1
                                    

PASADO alas-onse na ng gabi nang matapos ang party. Nakauwi na ang lahat ng mga bisita maliban sa mga magulang nila ni Jefferson. Dahil gabing-gabi na ay dito na nila naisipang patulugin ang mga ito.

"Sigurado ba kayo na ayos lang na mag-isa sa bahay si Rommel?" tanong ni Krystel sa ama.

Tumango si Daddy George. "Tinawagan ko na siya kanina. Sinabi niyang doon muna patutulugin ang dalawang kaibigan niya."

Lumapit sa kanila si Jefferson. "Isa na lang ang guest room na available pa dito," anito. "Puwedeng doon mo na patulugin ang family mo, Krystel."

"Pero paano ang Mama at Papa mo? At si Jade?" tanong naman niya. "Sila na lang ang patulugin mo doon, Jeff. Puwede namang sa kuwarto ko na lang ang pamilya ko."

Magsasalita pa sana si Jefferson pero sumingit na ang mama nitong si Anne. "Masisikipan kayo panigurado sa kuwarto mo, hija. Bakit hindi ka na lang muna matulog sa kuwarto nitong si Jefferson habang ang family mo ay nasa kuwarto mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Krystel. Matutulog silang dalawa ni Jefferson sa isang kuwarto? Ibinuka niya ang bibig pero wala namang boses ang lumabas doon. Tila biglang nag-shut down din ang isipan niya para mag-isip ng maisasagot.

"Wala namang problema doon dahil mag-asawa naman kayo," pagpapatuloy pa ni Mama Anne. "Hindi na nga dapat kayo magkahiwalay ng kuwarto, 'di ba? Naiisip tuloy namin na may plano kayong dalawa balang-araw... na lokohin kami."

Nalunok na yata ni Krystel ang dila ng mga oras na iyon. Nang sulyapan niya si Jefferson ay may dumaan na ring pagkabalisa sa mga mata nito. Pero agad din itong nakabawi at lumapit sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi n'yo, Mama?" ani Jefferson, inakbayan siya. "I told you. Kailangan muna naming makilala ng lubos ang isa't isa. Hindi n'yo dapat kami minamadali."

Humalukipkip si Mama Anne. "Tumatanda kami, mga anak. Gusto rin naman naming makita ang mga magiging apo namin."

"Ma," pagpapatigil ni Jefferson sa ina. "Magpahinga na lang tayo, okay? Sa kuwarto ko na matutulog si Krystel kung 'yon ang gusto n'yo."

Wala namang nagawa si Krystel kundi ang hayaan na lamang ang asawa na magdesisyon. Mayamaya ay hinila na siya ni Jefferson palayo sa mga ito.

"Pagpasensiyahan mo na si Mama," mahinang wika nito. "Huwag kang mag-alala, malaki naman ang kama ko sa kuwarto."

Tumango siya. Hindi man gustong aminin, may parte ng kanyang pagkatao ang nasasabik na mapasok ang kuwarto ng asawa. Simula nang tumira siya sa bahay na ito, hindi niya man lang nagawang silipin ang kuwarto nito.

"Kakausapin ko lang si Mama na—"

Hindi natapos ni Jefferson ang sasabihin nang hawakan niya ito sa braso. Nagtatanong ang mga mata nitong napatingin sa kanya.

"Let's go to my room," wika ni Krystel. Nakita niya ang pagkagulat na bumahid sa mga mata ng asawa kaya mabilis na nagpatuloy. "N-nandoon ang... ang regalo ko para sa 'yo. G-gusto kong makita mo bago matapos ang araw na 'to."

Napangiti naman si Jefferson, tumango. "Sige, nang mailipat ko na rin sa kuwarto."

Pinauna na siya ng lalaki sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa loob ng sariling silid. Pagkapasok doon ay lumapit si Krystel sa painting na nasa kama. "Iniakyat ko ito dito nang matapos ko, balak ko sanang ibalot kaso nawalan na ako ng oras," nahihiyang wika niya.

Lumapit si Jefferson sa kama at inalis ang puting telang nakataklob sa painting. Kakikitaan ng pagkamangha ang mukha ng lalaki. "Is this me?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango siya. "G-ginaya ko lang 'yan do'n sa picture mo no'ng kasal natin."

"Wow," namamangha pa ring wika ni Jefferson. "You're indeed a very good painter. I love it."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 3: Jefferson SiouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon