CHAPTER 11

1.2K 94 1
                                    

NAKATULALA si Adeline habang nakatitig sa pinto ng OR. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nandoon.

Wala siyang kamalayan sa kanyang paligid, ang tanging nasa isip ay si Anthony na kasalukuyang ino-operahan.

Doktor siya at alam niyang malubha ang pagkakasaksak dito. And he lost a lot of blood. He was just lucky that he did not die because of severe blood loss. Bagaman mahina ay humihinga pa ito nang isugod nila sa ospital.

Ang ibang kasamahan ni Adeline ay nagtangkang kumausap sa kanya ngunit wala siya sa katinuan upang kausapin ang mga ito. Pilit na bumabalik sa kanyang isipan ang eksena ng pagkakasaksak kay Anthony. Sa mismong mga mata niya ay nasaksihan niya iyon. Guilt was consuming her being and eats her sanity, she was at fault. It's all in her, she should be the one who got stabbed and supposedly lying on the operating table.

"Hey." Napapitlag siya ng may tumapik sa kanyang balikat. The voice was familiar, soothing and it somehow calmed her tensed nerves.

Umangat ang tingin niya rito. "A-ate..."

Nag uunahang pumatak ang mga luha niya pagkakita sa nakakatandang kapatid. Tila siya bata na nasa bisig ng kanyang ina nang yakapin siya ng nakakatandang kapatid.

"K-kasalanan ko... kasalanan ko. I-I'm sorry, hindi ko sinasadya..." she mumbled incoherent things, asking for forgiveness for what she had done. Kapatid rin ng ate Alessandra niya si Anthony sa father side. Hindi niya kakayanin kung sisisihin siya nito sa nangyari. At ano nalang ang sasabihin ng mga Sanford? "Ako dapat ang nasaksak. Hindi siya, I'm sorry."

"Shh... It's not your fault. Toni is a fighter, he'll be okay," anito sa boses na puno ng kasiguraduhan. Kahit papa'no ay nakaramdam siya ng pag-asa dahil sa sinabi ni Alessandra. Alam niyang hindi susuko ng ganoon nalang si Anthony.

Sinamahan siya ng kapatid sa paghihintay at ng asawa nitong si Kuya Nick na hindi niya agad napansin na naroon din pala. Anim na oras na ang nakalipas pero hindi parin natatapos.

Dumating rin si Kuya Ashton—isa sa mga nakakatandang kapatid na lalaki ni Anthony.

"Anong nangyari?" tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha. "Sa opisina na ako nagpalipas ng gabi at kung hindi ko pa napanood ang news ay hindi ko malalaman ang nangyari kay Toni." Adeline can see the worried expression on his face.

"I'm sorry, I forget to tell you, Ash," sagot ng Ate niya kay Ashton."I called Daddy earlier when I got the news from AC. Nasa presinto sila bilang witness, sinamahan sila ni Dad doon. Hindi ko pa natatawagan si Kuya Alex." Si Alex ay ang pinakamatandang kapatid ni Toni. Nasa Japan ito at nagbabakasyon kasama ang pamilya.

"I'm sorry, Kuya Ashton." Nahihiya siya sa mga ito, bagaman ay hindi siya ang sumaksak kay Anthony ay siya parin ang dahilan niyon. Sa paputol putol na paraan ay naikuwento niya sa tatlo ang mga nangyari sa loob ng bahay. "Tinulak niya ako at siya ang nasaksak," she splutter, holding back her tears.

"It's not your fault, cupcake," masuyong wika ni Ashton sa kanya. He loved to call her cupcake, her favorite dessert. Ashton was sweet and caring, and of course, playful. Itinuring sila nito ng kapatid niyang si AC bilang nakakabatang kapatid at ipinagpasalamat niya iyon

Katunayan ay parang parte ng pamilya ang turing sa kanila ng mga Sanford. Ang Ate Alessandra niya ay kapatid nila ni AC sa ina at kapatid ito ni Anthony, Ashton at Alexander sa ama na si Alessandro Sanford.

Hindi namulatan ng ate niya ang ama nito, wala itong kinikilalang ama mula nang mailuwal sa mundo. Ngunit nagbago iyon labing isang taon na ang nakakaraan. Nakilala ng kanyang ate si Alessandro Sanford. Siya ang dahilan kung bakit nilapitan ni Alessandra si Alessandro, noong panahong wala siya sa katinuan dahil sa nangyari sa kanya. Kaya napilitan ang nakakatandang kapatid na manghingi ng tulog sa mga Sanford. Hindi lang ang buhay ng kanyang ate ang nagbago simula no'n, maging sa kanya at kay AC.

My Safe Haven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon