CHAPTER 12

1.4K 100 7
                                    

"REVENGE! Naghihiganti siya. Sinabi niyang nahuli ni Doctor Benson ang ama nito na nagbibinta ng droga noong pulis pa si doc. Ang ina niya ay maysakit kaya raw nagawa ng ama niya ang pagbibinta ng droga. At dahil sa pagkahuli nito ay mas lalong lumala ang sakit ng ina dahil walang perang pampagamot. Sinabi rin niyang namatay ang kanyang ama sa loob ng kulungan dahil sa isang riot. At... at ang ina niya ay namatay sa kamay ni Doctor Benson."

"Anong ibig mong sabihin? Pinatay ni Doctor Benson ang ina niya?"

Umiling-iling siya at sinabi niya rito ang lahat ng nalaman mula sa suspek.

"Hindi kaya gawa-gawa mo lang ang mga sinasabi mo doktora dahil malapit ka kay Doctor Benson? At maaari kayong maparusahan kung mapatunayang nagsisinungaling kayo."

"No, I'm not lying! You're the police, mag-imbestiga kayo," naiinis niyang turan rito.

Magsasalita na sana ang pulis na bumalatay rin ang inis sa mukha nang bigla silang bulabugin ng isa pang pulis. "Sir, nagalugod na namin ang bahay na tinitirahan ni Jake Nueva, may natagpuan sa loob ng basement ng bahay ng tiyuhin niya."

Nag-usap ang dalawa sa mahinang tinig ngunit naririnig parin niya. "Ano ang natagpuan niyo, may mahalaga bang ibedensiya?"

"Sir, nakakulong sa basement ang tiyuhin ni Jake Nueva kasama ang asawa at tatlong anak. Patay na ang dalawang anak na lalaki. Wakwak ang tiyan at ino-uod na."

Napasinghap si Adeline at para bang bumaliktad ang kanyang sikmura dahil sa narinig.

Napatingin ang dalawang pulis sa kanya, ang kausap niya ay napabuntung-hininga at isang walang buhay na ngiti ang sumilay sa mga labi. "Mukhang tama ang mga sinabi mo doktora."

"Please, walang kasalanan si Doc Benson," aniya na nanginginig ang mga labi.

Tumango-tango ang pulis. "Malalaman natin sa mga darating na araw, Doctor Cruz. Puwede kanang makauwi."

Tinanguan niya ito at lumakad palabas ng presinto. Tinungo niya ang kanyang sasakyan at ilang sandali ang kanyang pinalibas upang kalmahin ang sarili. Imbes na umuwi ay dumiretso siya sa ospital, may duty pa siya at kailangan niyang tingnan si Toni.

HALOS dalawang araw na mula ng mangayari ang pagkakasaksak kay Anthony. Subalit hindi parin ito nagigising hanggang ngayon. It was exactly forty-two hours from the time he was operated.

Nilipat ng pamilya nito ang binata sa isang VIP room. Maayos naman ang vitals nito ngunit hindi parin magising gising na ipinag-alala niyang lalo.

Sa nakalipas na araw ay usap usapan sa buong bansa ang Scalpel Murder Case. Nalinis na ang pangalan ni Doctor Benson at napatunayan ang totoong may sala.

Nagsalita ang tiyuhin ni Jake Nueva tungkol sa mga ginawa nito. Namatay rin ang dalawang anak na lalaki ng tiyuhan dahil kay Jake. Parehong wakwak ang tiyan at ino-uod na sa loob ng basement.

Napag-alaman na wala sa sariling katinuan si Jake Nueva. Dala nang naranasan nito sa buhay ay naapektuhan ang matinong pag-iisip ng lalaki. Ni hindi niya mapaniwalaan iyon dahil maayos naman niya itong nakakausap tuwing nagtatagpo sila sa ospital kapag nagtatrabaho ang lalaki roon. Mabait ang hilatsa ng mukha, at palaging may nakahandang ngiti para sa lahat.

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Adeline at umupo sa upuang nasa tapat ng hospital bed ni Anthony. Siya muna ang magbabantay rito, hindi na siya umuwi pagkatapos ng shift niya at dito na dumiretso.

Kinuha niya ang malamig na kamay ni Anthony at ipinaloob sa dalawa niyang kamay. "Wake up, please. Babatukan pa kita pagkagising mo eh, tinulak mo ba naman ako. Ang sakit kaya ng balakang ko, tumama sa center table." Tears split over and flowed down her face "Bakit mo kasi ako tinulak eh? Papaka-hero ka, gano'n? Baliw kaba?"

My Safe Haven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon