CHAPTER 14

1.1K 93 0
                                    

"AYAN kasi!" Napangiwi si Anthony ng diinan niya ang sugat nito. "Ang likot likot mo kasi! Tinanggihan mo nalang sana sina Lucas na makipaglaro, ayan nagdugo sugat mo. Inaabala mo na naman ako!" she snorted. Kunwari ay pagkainis ang ipinapahiwatig ng kanyang boses at ang emosyon sa kanyang mukha, upang matakpan ang katakot-takot na pag-aalalang pumuno sa kanyang dibdib.

Kanina pa pala dumudugo ang sugat nito habang nakikipaglaro sa mga pamangkin. Hindi lang nito sinabi.

"Alagaan mo naman sarili mo! You're old enough to do that... What?" tanong niya rito nang magtaas siya ng paningin at nakita niya itong matamang nakatitig sa kanyang mukha.

Nag-iwas siya ng tingin ng biglang salakay ang pagkailang dahil sa mga titig nito. Binalingan niya ang mga kagamitan sa panggagamot at iniligpit ang mga iyon.

"Aalis na ako." Subalit hindi siya tuluyang makaalis dahil hinigit siya nito sa braso at hinila palapit sa katawan nito. Itinukod niya ang mga kamay sa kama para suportahan ang kanyang bigat at iniwasang madagil ang sugat ng binata. She was hovering him. "W-what are you doing?"

"Stay," he muttered in a low husky voice and the hair on her nape rose up in chill.

Kahit anong palag niya ay hindi siya makawala mula sa mga braso nitong nakayapos sa kanyang katawan. Inayos nalang niya ang pagkakadapa sa ibabaw nito para hindi masagi ang suture. She sighed and placed her cheek on his broad shoulder.

"I'm glad that you're okay. You don't know how scared I was when I saw you with that man, if I was a second late he could've hurt you." He was stroking her hair and she tried so hard to beat herself from shivering.

"B-but you've been hurt because of me," aniya sa garalgal na boses. Her foolish heart was at in its course again, beating too fast that she might die of asphyxia.

"Hmm," he hummed and his eyelids shut closed.

Nanatili sila sa ganoong puwesto hanggang sa maramdaman niya ang pagbigat ng mga talukap. She fell asleep in his arms, so divine.

"WHAT? I'm not allowed to go outside, your Tita Ady will bury me alive."

It's been a week since he got out from the hospital. Sa nakalipas na isang linggo ay nasa bahay lang siya at nagpapahinga. Bilin ng kanyang doktor ay huwag siyang lumabas at dapat ipahinga niya ang katawan para madali siyang gumaling at makabalik sa trabaho, and he was obedient enough.

Hindi niya gusto ang manatili lang sa loob bahay at walang ginagawa, but he love the attention she was giving him. Dalawang linggo narin siyang hindi nakakapasok sa trabaho at naiintindihan naman iyon ng mga superiors niya, and his team were capable and competent.

"Duh, Papa Toni, she's here with us. Besides, I know that you want to be with her so so badly." Her voice was teasing and he can sense an eye roll from his niece. "I know that you have a huge crush on her. Gosh, you're not a teen, Papa Toni, you are so corny, ha. So, ano na po? Are you going here or nah?" tanong nito sa matinis na boses na hindi na iba sa kanya.

Nagpakawala ng hangin si Anthony at sinabi sa kausap na pupunta siya.

Tumawag ang pamangkin at inaanyayahan siyang pumunta sa bahay ng mga Villarama. Hindi niya alam na doon pala ang punta ni Adeline nang umalis ito kanina. Wala itong pasok sa ospital ng araw na iyon at nagtungo nga sa bahay ng mga pamangkin para makipag-bonding sa mga bata. The kids loves her. May soft spot ito sa mga bata kaya sigurado siyang magiging mabuti itong ina. Kung sana ay handa na ito para do'n, but it seems like the road was long.

Ginamit niya ang sasakyan na nasa kanyang garahe na bihira lang niyang magamit dahil mas gusto niyang sakyan ang kanyang Harley.

Pagkadating niya sa mansiyon ng mga Villarama ay dumiretso siya agad sa may pool area.

My Safe Haven [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon