Nakasuot si Zen ng isang costume party and he pick the Prince attire, exited niyang tiningnan ang isang invitation card na kulay blue at ang pangalan ni Noah na nakaukit.'This is awesome!.' Bulong nito sa sarili at saka kinuha niya ang kanyang signature book kung saan nandoon ang mga signatura ng lahat ng mga artista at sports men na binansagan na sikat sa mga larangan.
Napangisi siya, balak kasi niyang hingin ang fansign ni Sean na Idol niya na Motorcycle rider, sa tuwing nakikita niya ito sa T.V or sa personal, bumabalatay sa kanya ang paghanga ng binatang si Sean.
Ang paraan kung paano nito pinatili ang mga babae sa isang tingin lang, ang paraan nito kung paano pina andar ang Icon Sheen nitong motorsiklo at kung paano nito pinalipad sa ere na ikinatagilil niya din sa paghinga.
He adores him so much to the point na kapag may bagong labas na mga magazines ay nakikipagsiksikan siya sa mall para lang makabili.
There was even a time na may fan signing si Sean sa Cebu ay hindi siya naka kuha ng sign nito dahil cut off na ang time ni Sean, may time limit kasi ang kanyang iniidolo kaya lubos ang kanyang kalungkutan sa mga sandaling iyon.
Hindi siya bakla, idol nya lang talaga si Sean.
Balak nya nga sana maging isang Motorcycle rider kaya lang nang nag search siya kung paano gawin ang mga prosesso para maging mahusay sa isang larangan ay wala siyang pinag-aksayahan na oras.
Agad siyang nagbackout ng makita niya sa vedio na may nababalian ng mga buto, minsan nauna ang sakay nito at naiwan ang motorsiklo, minsan naman ay nauna ang motorsiklo at naiwan ang rider.
Ayaw niya pang mamatay, mahal nya ang kanyang buhay at ang binuhay kaya mas pinili nalang niya na tingin tingin nalang sa mga taong marunong mag motorsiklo at saka humanga sa mga ito.
Di bale na maging duwag basta hindi lang madapuan ang bangkay niya sa uwak.
"Invitation Card." Ang boses ng guard ay parang robot, may kalakihang ang pangangatawan, maangas tingnan na kapag inaangasan niya ay nasisigurado siyang kayang-kaya siya nitong buhatin at saka ihagis sa labas ng gate na walang kahirap hirap.
Napalunok siya sa kanyang nakita at tinakpan ang kanyang bunganga sa likod ng kanyang mga palad.
Pasemple niyang hinagod ng tingin ang guard, nakasuot ito ng isang isang princess dress na para yatang kay snowwhite, ang kasamahan naman nito ay nakasuot ng mga costume ng mga dwarfs.
Nakagat niya kanyang pang-ibabang labi at saka pinigilan ang pagtawa. 'Tae kalalaking tao naka snow white attire? Hahahahah.' Tawa nito sa isipan.
"May problema ba totoy?." Napatuwid siya sa pagtayo ng mapansin niya ang mukha nitong seryoso.
'Lukaret totoy mo mukha mo!.'
Ngumiti siya ng pilit at saka ibinigay ang invitation card at saka madaling pumasok sa loob ng Villa ng mga Villaruz at baka ihagis siya sa labas ng gate.
Sayang naman ang costume niya at pinaghandaan niya pa naman.
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid, nakakasilaw na disco lights, mga taong naka custome party sa Walt Disney, naglalakihang cake sa gilid, ibat-ibang mga pagkain sa catering area, mga taong nagsasayawan at mga babaeng nakabikini sa gilid ng pool.
Napangisi siya sa kanyang nakita, this place is awesome!, kung makita lang sana ito ni Ezre ay baka lumuwa ang mata nito sa pagkamangha.
Ang alam nya pa naman kasi ay pobre ang lalakeng iyon at walang taste sa buhay kaya inampon ng mommy niya.
Napa-iling siya at saka tinapik ang kanyang mukha, naala na nya naman si Ezre at ang ginawa nito sa kanyang paghalik, napahawak siya sa kanyang mukha.' Taena ang init ng mukha ko.'
Tinapik nya ulit and kanyang mukha at saka huminga ng malalim.' Hindi ka pumunta dito para isipin si Ezre okay? Nandito ka para dalawin si Noah na may birthday kukuha ng fansign kay Sean at saka kakain. Easy Zen.' Tumayo siya ng matuwid at engrandeng lumakad na parang prinsipe.
Kumuha siya ng isang wine, inamoy niya iyon at saka tinikmam. "Ibang klase ang lakas ng tama." Ani nito at saka naglakad, ngunit napahinto siya sa paglakad at napatingala sa center stage.
"Ladies and gentlemen, thank you for coming to celebrate our Noah's birthday party.!" Masayang bati ng MC host at saka nagpalakpakan naman ang lahat.
Napatingin siya sa gilid at saka doon lumabas ang tatlong kapatid na si Sean, Noah at si Imran.
"Good evening everyone, thank you for coming and feel free to enjoy this party." Nagsitilian ang mga babae sa may pool at saka nagpalakpakan naman ulit ang mga taong dumalo.
"But before that let me welcome my one and only Princess." Tumigil ang iba sa kapalakpak at iba naman ay nagbubulungan.
"Wait princess?." Ani ng isang babae na nababakas ang kalungkutan sa mukha.
"Don't tell me may girlfriend na si Noah?." Gulat namang sabi ng isa.
"No this can't be!."
"Ano ba naman to nag-ayos pa naman ako para sa kanya tapos malalaman ko lang na may girlfriend na siya!."
"Gaga! Baka nakalimutan mong may jowa ka na? Harot nito."
Mula sa nakabukas na pintuan sa stage lumabas ang isang babae na naka suot ng isang engradeng blue gown na kagaya ni Cinderella, mapupula ang mga labi nito at may pinkish na pisnge.
Ang kaibahan lang nito ay nakamaskara ang babae kaya hindi niya nakita ang kabubuoan ng mukha nito ngunit nasisiguro niyang maganda ang babae.
Lumakbay ang kanyang tingin sa malulusog nitong dibdib. 'Wadapak? t-too ba tong nakikita ko?' Gulat na tanong nito sa sarili.
Bumalik ang kanyang mga tingin ng isayaw ni Noah ang babae.
Hindi niya alam kung bakit kusang naglalakad ang kanyang mga paa palapit sa stage.
Humito siya sa harap ng stage kung saan may maraming taong nakatingin, napahawak siya sa kanyang dibdib ng magtama ang mga mata nila sa babae.
Those piercing blue eyes, kung hindi siya nagkakamali.
"E-Ezre?."
BINABASA MO ANG
She's A Woman ✔
RomanceR-18 Not suitable for young readers. Description He will do anything para mabura sa kayang landas ang lalakeng inampon ng kanyang Ina sapagkat lahat nalang ng attention ng nasa kanyang paligid ay nasa lalakeng ampon ng kanyang ina. But what if a f...