Ikasampung Patak

110 18 34
                                    

I dedicate this chapter to riafelixx
Thank you so much sweetie for supporting my story since the very first day I published its first chapters in watty. I don't know you personally, yet you support me like a true sister. Thank you so, so much!

Lovelots, Dyosa ❤️

*****

Offended and a bit hurt at his simple remark. Bumalik kami sa kotse na hindi ko siya tinitignan at iniimikan. Hinayaan ko na din na siya ang solong magdala ng lahat ng gamit. Di na ako nag offer na tumulong.

Nauuna akong maglakad sa kanya habang
kumikirot ang batang puso sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May kakaiba sa mumunting kurot na nararamdaman ko sa aking dibdib.

"Let me.." una niya sa akin na mabuksan ang pintuan ng passenger seat ng kanyang kotse. Mabilis naman akong umatras para di kami magkalapit.

Napatingin siya sa akin at agad kong iniiwas ang mga mata sa mukha niya. I looked at my feet instead.

Mabagal niyang inilapag ang mga gamit sa likod habang tinatantya ang bawat pag-iwas ko ng tingin.

He looked at me with curiosity in his dark brooding eyes. He scanned my face while slowly closing the car's door.

"Tara na?" nag-aalangan niyang tanong.

Marahan akong tumango at agad na pumasok sa sasakyan.

Sa byahe pabalik tahimik kami. Walang nag- iimikan. Tahimik siyang nagmamaneho at paminsan minsang nasulyap sa side ko. Samantalang nakanguso akong nakatanaw sa bintana. Nakasandal ako dito at pinapanood ang lahat ng nadaraanan.

I watched the sun slowly goes down. Nag- aagaw ang kulay kahel, at rosas na nakasabog sa kalangitan. It actually looks majestic. Almost beyond to perfection.

It somehow helps me soothe the tingling pain in my chest. Sa gilid ng mga mata ko, kita ko ang salitan ng paghinga niya ng malalim at pag-igting ng panga habang tulalang nakatingin sa kalsada.

He looks problematic..

Napagawi ang mata niya sa akin. Napaigtad sa nerbyos ang bwisit kong puso. Mabilis akong pumikit at nagkunwaring nagpapahinga.

Doon ko na lamang binuhos ang kaunting sama ng loob ko at hinayaang tangayin ito ng hangin..

Pagdating namin sa bahay, nadatnan namin sa salas si Samantha at Ninang Alisa kasama ang tatlong panauhin na hindi ko mga kilala. Abala sila sa pagtingin sa tablet at pag-uusap tungkol sa darating na Flores de Mayo.

Bored na nag-angat ng tingin si Sam sa banda ko at nginisian ako ng nakakaloko. Tila nang-aasar o nang-iinggit. Napawi lamang ito ng mapatingin siya sa lalaking mabilis na nakasunod sa likod ko.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Refusing to acknowledge her indifference towards me. I had so much feels from the guy standing tall behind me. Tama na muna iyon.

Inilang hakbang ko ang paglapit kay ninang Alisa para ipakita ang pagdating ko.

"Magandang gabi po, Ninang.." magalang na bati ko at tinignan ang tatlong panauhin namin na may munting ngiti.

Naramdaman ko sa likod ko ang galaw ni Kuya Alonzo. Inilapag niya sa coffee table ang susi at digicam.

Manghang nakatingin sa kanya ang mga bisita. May pakiramdam ako kung ano ang sunod nilang sasabihin..

"Ang gwapo!"

"Nakakaloka, may gwapo pala dito?!" ngiting ngiti na komento noong isang lalaki na pakiramdam ko ay kabilang sa LGBT community.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Rain In My Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon