Unang Patak

246 89 66
                                        


Tulala akong nakatitig sa salamin ng bintana namin. Masipag at matiyaga na pinapanood ang bawat patak ng ulan na humahaplos sa bawat pagbagsak nito.

Hinahabol ng payat na daliri ko ang bawat puting guhit ng tubig na lumalatay sa salamin ng bintana na kinatatayuan ko.

Kasabay ng bawat pagbagsak ng ulan, at ang paghaplos nito sa bawat sulok ng aming tahanan ay ang pagbagsak ng masasagana kong luha. Para silang patak ng ulan na nagpapaligsahan sa pagbaba.

Walang ubos, at walang paghina.

Today is the first rain of May this year.

Bilang isang teenager, nakalakhan ko na hintayin at mahalin ang bawat butil ng biyaya na nagmumula sa kalangitan. Lalong higit ang espesyal na ulan na ito. Nakagawian ko ng matiyagang hintayin tuwing darating ang Summer break.

At ngayong araw ding ito, dagsa ang buhos ng dating ng tao sa loob ng malawak na bakuran namin ni lola.

Now, I don't like it anymore. I hate it!

Malungkot ko silang lahat na tinatanaw mula sa pagkakaupo ko sa rocking chair na malapit sa bintana na madalas naming tambayang maglola.

Si lola..

Kaagad akong tumayo mula sa pagkakasalampak ng upo at tumakbo para salubungin ang kadarating na sasakyan na naglalabas ng mga candle stand at sa likod nito, sa kabilang sasakyan ay ang kulay puting parihabang kahon.

"Lolaaaaaa!!!!" malakas akong sumigaw at tumakbo sa labas ng bahay. Hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.

"Noel! Ang bata!" malakas na sigaw ng isang kakilala.

Wala na akong pakialam kung madulas man ako sa madulas na damuhan at nilulumot na stone pathway. Ang tanging gusto ko lang ay makita ang pinakamamahal kong lola.

"Lola ko!!!" Napahagulhol ulit ako sa pag iyak. "Lolaaaa!"

Isang mainit na yakap ang pumigil sa akin bago pa man maabot ng naginginig at malamig kong kamay ang kabaong ni lola.

"Anak, tama na. Masama sa kalusugan mo ang pagbabasa sa ulan. Wala ka pang pahinga at tulog." alo nito sa akin at patuloy akong niyakap.

"M- ma'am si lola p-po." patuloy ako sa pag iyak.

"Sssshhhhhhh! Alam ko anak. Alam ko." patuloy niyang yakap at hagod sa basang basang likod ko at marahang giya sa nilalamig kong mga braso, "Tara na sa loob, basang basa kana sa ulan."

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

"A-ayaw k-ko po. D-dito lang po a-ako. A-a-aakayin ko pa p-po s-si lola." paputol putol kung tugon at tiningala ang mukha ng ginang na nakayakap sa akin.

Ma'am Alisa Macaoilli, a mid-fourties beautiful woman with a warm and loving smile. Isa siya sa mga guro ko sa pampublikong paaralan na aking pinapasukan. She's a junior high school teacher. My mom's besfriend when she was still alive. She's a loving and caring ninang. She's like a foster mom to me.

Sa tabi nito ay ang supladong anak na binata na mariing nakatitig sa akin ang pares ng seryosong mata. Standing tall, hawak nito ang di kalakihang kulay itim na payong.

I know him by his name Ricardo Alonzo Mandigma the Fifth or Alonzo and Fifth. He's the eldest and only son of my ninang with her first husband. The late brave soldier, Ricardo the Fourth. He spent most of his childhood in a nearby Province. Under the wing of his patriarchal side. The reason why we are not well acquainted, and I just know him by name and face. I wonder why he's here?

Marahas na huminga ng malalim si Alonzo at nakaawang ang labi na tumingin sa malayo habang magkasalubong parin ang mga kilay.

Hinaplos ng ginang ang aking mukha.
Kitang kita ko ang pagkabigo at pagkislap ng luha sa mga mata niya.

A Rain In My Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon