4. #Stop

3K 60 13
                                    

Parehong guro sa high school ang mag-asawang Vicky at Ruel Torres, mayroon silang dalawang anak na lalaki na sina Roy; sampung taon gulang at bunsong si Vincent na dalawang taon mahigit ang agwat sa nakakatandang kapatid. Namumuhay ang kanilang pamilya ng masaya at matiwasay kahit di man nakakaangat sa buhay ay salat naman sila sa kagandahang asal at pangaral ng Diyos. Ayon sa nakakarami.

Maaga pa lang ay abala na ang may-bahay na si ginang Vicky at kasambahay na si manang Lala sa pag-aasikaso sa gaganaping ikapitong kaarawan ni Roy. Hindi na sila magkandaugaga sa pag-aayos ng mga palamuti, ilang dekorasyon, upuan at lamesa sa balkunahe. Habang ang haligi ng tahanan na si ginoong Ruel ay abala naman sa pagluluto sa likod bahay ng mga putaheng ihahanda habang umiinom ng alak.

"Kuya! pahiram naman kanina ka pa eh!" pagmamaktol ni Vincent. Hindi siya pinansin ng kapatid na si Roy at patuloy lang ito sa paglalaro ng game apps sa smart phone ng kanyang ama. Sa inis ng bata ay inagaw niya ang phone sa kapatid ngunit hindi nagpatalo ang nakakatanda't nakipag-agawan din.

Sa pagbubunuan nila ng lakas sa kakahatak sa phone ay tumilapon ito at bumagsak. Nagkaroon ng ito malaking basag sa screen. Sinubukan pang pindutin ni Roy ang power button ngunit hindi na talaga ito gumagana pa, sa sobrang pagkairita ay nasuntok niya si Vincent sa mukha, napangawa ng malakas ito kaya naman sinubukan pangtakpan ni Roy ang bibig ng kapatid dahil sa pag-aalalang maaari siyang mapaparusahan ng ina.

"Bakit umiiyak iyang si Vincent?" puna ni ginang Vicky na kapapasok lang sa loob.

"M-mommy! S-si kuya, sinuntok ako!" utal na bigkas ni Vincent na patuloy pa rin sa pag-ngawa.

"Totoo ba yon Roy?" tanong ng ina nito habang pinapatahan ang bunsong anak.

"Hindi po! nadapa kasi siya nang pagkaaagaw niya sa akin ng phone, tapos nabitawan niya kaya nasira po," palusot ni Roy. Sa narinig ng ina ay pareho silang piningot sa tainga habang paakyat papasok sa kanilang kwarto.

"Ngayon pa talaga kayo nangungulit kung saan may mga bisita tayong darating, magsi-ligo na kayo! mamaya namin kayo kakausapin!" bulyaw ni ginang Vicky na may kasama pang sabunot at batok sa mga anak.

"mam Vicky may naghahanap po sa inyo," bigkas ni manang Lala habang kumakatok sa pinto ng kwarto ng mga bata. Bago lumabas ay pinandilatan muna ng ina ang kanyang mga anak at nagmadali ng pumasok sa banyo ang mga anak para maligo. Nagmadaling hinarap ng ginang ang inupahan niyang performer, isang clown at magician na inirekomenda ng kanyang kumare.

"Magandang araw po Mrs. Torres, ako nga pala si Jay," magalang na wika ng binata. Inusisa siya ng tingin ng ginang na wari'y nagdududa ngunit nagustuhan rin siya nito dahil sa pagiging palangiti nito.

"Magandang araw din iho, ilan taon ka na?" tanong ni ginang Vicky.

"24 po mam," tugon ni Jay.

"Hindi ka mukhang 24, ang payat mo kasi eh. O sige, magready ka na maya-maya lang narito na ang mga bisita," wikang ginang.

Pagpatak ng alas dose ay handa na ang lahat, 'di na rin mabilang ang mga makukulit na batang nagsisitakbuhan at paikot-ikot sa balkunahe habang naghihintay sa main event ng kaarawan.

Maya-maya pa'y nagpakitang-gilas na si Jay sa kanyang mga magic tricks, labis namang nagalak ang mga bata't hindi magkamayaw sa kakapalakpak.

Unang magic trick pa lang ay tuwang-tuwa na ang birthday celebrant na si Vincent na halos hindi mapatid ang ngiti sa labi. Baligtad naman ang reaksyon ni Roy sa magic trick ng clown at sinigawan pa ng "Booo" na mga kantsyaw.

Hindi naman ito nakaapekto sa performance ni Jay at mas nagfocus lang sa pagpapasaya sa mga bata ngunit hindi siya tinigilan ni Vincent at patuloy lang ito sa panggugulo sa clown tipong nagkakamali na siya sa tricks dahil sa pangungulit at pananakit nito.

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon