2. Lullaby

3.7K 94 13
                                    

Laking tuwa't para akong nakahinga sa pagkakasakal ng sabihin ng aking mga magulang na may bagong bahay na kaming malilipatan at aalis na sa puder ni lola Vena. Sa dalawang taong paninirahan namin doon ay nakaranas kami ng kapatid ko ng pangmamalupit.

At hindi alam kung bakit ganoon na lang ang trato ni lola sa'min na parang hindi niya kami apo o kadugo man lang. Napapahagulgol na lang ako tuwing naalala ang mga masasakit niyang pananalita, mas masakit kaysa mga latay na aking natatanggap.

Sampung taon pa lang ako ngayon ngunit grabe na ang pinagdaanan ko sa mga taong inaasahang kong magmamahal din sa'min. Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob at kinimkim na lang ang lahat dahil ayoko pang dumagdag ito sa problema naming pamilya. Alam ko kasing abala si mama sa trabaho niya bilang guro habang si papa naman ay aircon technician sa Saudi kaya kami lang ng kapatid kong si kuya Red ang madalas magkaramay.

"Violet anak, ayos ba sayo ang lugar?" tanong ni mama.

"Opo! okay na okay!" masayang tugon ko.

Nilibot ko ang bagong bili naming bahay, hindi nga lang ito kasing lawak ng bahay ni lola pero masasabi kong magiging payapa ang kalooban ko rito. Bungalow type ang bahay malawak ang bakuran para pagtamnan ng halaman at gulay.

Ang gate naman gawa pa lamang sa kawayan sapagkat nakulangan sa budget sa pagpapatayo. Naglakad-lakad ako sa lugar at may mangilan-ngilan ng nakitang bahay habang ang iba'y under construction pa.

"Anak, tulungan mo muna kami ipasok ang mga gamit mamaya ka na mamasyal," tawag ni mama kaya agad akong tumakbo pabalik para tulungan silang magpasok ng mga gamit.

Gabi nang maasikaso ko ang aking magiging kwarto at dahil hindi pa naman ako ganoong kapagod ay pinagtiyagaan kong tiklupin ang ilang damit at isalansang sa drawer, habang ang uniform at ilang panlakad ay hinanger ko sa loob closet.

Habang naglalagay ng bedsheet ay may napansin akong dumaan sa bintana kaya agad ko itong sinilip. Inikot ko ang paningin sa labas ng bintana ngunit walang tao.

"BOOO!!!"

Napitlag ako't napatili ng malakas.

"Ano ka ba naman kuya! nakakainis ka! pumasok ka na nga rito!" iritabling sambit ko.

Tanging hagikgik lang galing sa kanya ang natanggap at sa banas ay isinara ko na lang ang bintana at pinagpatuloy ang pagsasaayos ng bedsheet.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

Laking pagtataka ng makarinig ako ng mahina't tila kumakanta sa kung saan. Napakamot na lang sapagkat di ko matukoy kung saan iyon nanggagaling. Hindi ko na lang iyon pinansin at ibinalik na lang ang atensyon sa paglalabas ng ilang gamit sa karton.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

"Ma, ikaw ba yan?" tanong ko habang abala sa paglalagay ng mga libro sa book shelf.

Mas luminaw at lumalim pa ang boses na narinig dahilan para magsitayuan ang mga balahibo't makaramdam ng panlalamig ng batok. Sinubukan kong hindi mag-isip ng negatibo't nakakatakot ngunit sadyang malakas ang kawala ng daga sa aking dibdib.

Na na na na na na na na na ♫ ♪ ♪

Ayan nanaman ang tinig kahit anong takip sa aking tainga ay mas lalong lang umaalingawngaw ito kaya napikit na lang ako't nagdasal.

"Violet!"

"Kuya Red, Nasaan ka?!" aligagang tanong ko. Pagdilat ay agad akong nagpalingalinga para hanapin ang kapatid ngunit wala siya sa paligid.

"Nandito ako..."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig at napag-alaman kong nanggagaling iyon sa loob ng closet. Natawa na lang ako't kaswal na nilapitan na iyon na parang walang nangyari. Pagbukas ay nanlaki ang mga mata't mistula akong binuhusan ng malamig na tubig.

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon