5. Chat

2.8K 64 18
                                    


Tuwing walang schedule na klase ay sa internet ko ibinabaling ang lahat ng aking oras gaya ng pag-iiscroll sa mga post ng friends, pagcomment, pagshashare, pag-add at pakikipagchat sa mga chix kahit hindi ko naman talaga sila personal na kilala.

Pinapagalitan nga ako ni mama kasi madalas na nga raw akong wala sa bahay at kapag nasa bahay naman ay tutok lang sa laptop o kaya sa smart phone at nag-iinternet.

Maria Veron Del Pablo: Hi! 😊

June Feron: Hello po

Maria Veron Del Pablo: Pwede bng makipagkaibigan? bored kasi ako eh

Hindi muna ako nagreply at inusisa muna ang kanyang account; Kaka-accept lang niya ng friend request ko 3 days ago, mayroon akong 3 mutual friends sa kanya, and what a small world, same school kami. At dahil nakatalikod na babae ang profile picture niya ay agad kong sinilip ang iba pa niyang pictures sa album para makilatis ang hitsura niya.

May mangilan-ngilan siyang selfies at ang iba ay kasa-kasama niya ang ilang kaklase. Masasabi kong cute siya. Tipikal na college student. Long hair, may pagkachinita, maputi, makinis, may dimples at matangos ang ilong.

Halos karamihan ng tipo ko sa babae ay nasa kanya na ata. At mukhang mabait din. Kung sinuswerte ka nga naman, jackpot ako sa isang ito.

11:03 p.m.

Maria Veron Del Pablo: ay seen 😁

June Feron: sorry, may ginawa lng kc aq hehe

Maria Veron Del Pablo: ahhh bka nka2istorbo ako 😁

June Feron: Hindi nman po

Maria Veron Del Pablo: sure ka? baka may magalit

June Feron: sino nman ang magagalit?

Maria Veron Del Pablo: hmm... gf mo po hehe 😊

June Feron: gf? haha wla ako nun noh! bata pa aq ska busy aq sa pag-aaral

Maria Veron Del Pablo: hahaha e di wow! ikaw na!

June Feron: totoo yon! pramis! mamatay man ang kapitbahay namin haha!

Maria Veron Del Pablo: hahaha! dinmay mo pa yong walang kinalaman 😁 bad!

"Uy June! matulog ka na! hindi ka dapat nagpupuyat, may pasok ka pa bukas---" puna ni mama. Heto nanaman kami sa walang katapusang pangaral.

Kaya kahit bitin pa sa usapin namin ay minabuti ko ng magpaalam sa kausap dahil tiyak na 'di ako titigilan ni mama.

"Opo, patulog na talaga ako," palusot ko sabay pag turn off ko ng laptop at pagligpit sa mga props kong notebook at libro.

"Diretso tulog ha! huwag ng magcellphone!" taas kilay na wika ni mama bago ito nagpunta ng banyo. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa lapag at tinurn-off rin ang broadband saka dumiretso sa kwarto para makapagpahinga.

Ang paggising ng maaga't makinig sa boring na lecture ng professor ang madalas kayamutan ko ng todo. Kaya madalas ay sinasadya kong magpa-late at dumiretso sa tambayan ng barkada hanggang sa susunod na klase.

Pagpasok naman sa susunod na klase ay lutang ang isipan ko't panay tingin sa cellphone at nagbabakasaling may magrereply sa pinadalhan ng group message ngunit wala.

Natapos ang isa't kalahating oras na lecture na wala namang natutunan. Pagkatapos kumain ng pananghalian ay idinadaan na naming magbabarkada ang libreng oras sa paglalaro ng online games mahaba-haba rin kasi lunch break namin.

Habang hindi pa nagsisimula ay naglog-in muna ko sa isang social networking sites para mag-update ng status gaya ng madalas na gawin. Nakita ko agad ang mensahe ni Maria at binasa ito. Sakto namang online siya kaya mabilis akong nagreply.

VividTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon