Chapter 6: Travis Finds Out the Truth

59 2 0
                                    

Atina's POV

"6:55pm na, bilisan mo oras! Bilis!" sabi ni Syien na katabi ko dito sa kama sa kwarto ko ngayon.


Opo nandito sya at nakaabang kami sa facebook live ng SB19 may announcemenr daw sila.


Nagi-guilty ako. I can't even tell Syien the truth, na sa harap na unit ko lang nakatira ang SB19.


"Ah Syien, saglit may kukunin lang ako sa fridge." sabi ko


"Fast!"


Nang makuha ko ang juice na binigay ni Jah ay dali dali akong bumalik sa kwarto at tumabi ulit kay Syien.


Uminom na ako at itatabi ko na sana nang kinuha iyon ni Syien.


"Ganito yung juice na iniinom ni Jah diba?" sabi nya kaya nanlaki mga mata.


Shoot. How can I forget that? Syien knows everything about SB19.


"A-ah! Oo, gumawa rin ako nyan. Effective naman." sabi ko.

Binigay nya sakin yun kaya tinabi ko na.


"Make me oneeeee!" sabi ni Syien sabay pout kaya natawa ako.

"Oo na. Oo na."



"Yes!! Kaya wab kita eh!"


Wab rin kita, pero sorry Syieeeen! May nililihim ako sayong big time secreeet!

"Nagsimula naaaa!" sigaw ni Syien kaya tumingin na rin ako sa laptop ko na pinapanooran namin.


"Get in the Zone, Break! Hi we are, SB19!" bati nila sa screen.

Napangiti ako. Ang stunning nila sa video, pero di mo aakalaing triple ang kagwapuhan nila sa personal.


***

Natapos ang live kanina ng SB19 sa facebook kanina. Nakaalis na rin si Syien.



They announced na magkakaroon ng fanmeeting at fansigning event sila. Same date but different time. Next saturday pa yon. Of course, Syien and I will attend!



Thursday ngayon at bukas ay friday. Sa wakas makakahinga rin ako. Well, half day lang kami bukas then sabado wala kaming klase. Monday ulit ako mastrestress.


9pm na, habang nanonood ako ng TV sa salas ay may nagdoorbell.

"Hmmm? Sino kaya magdodoorbell sa ganitong oras na'to?"

Tumayo na ako tsaka binuksan yung pintuan, and it's Travis.


At this hour?


"Travis? Anyare bat ka naparito sa ganitong oras?" tanong ko sakanya.



"Patulugin mo muna ako ngayon dito Atina," sabi nya.



"Ha? Bakit?"



"I'll explain later," sabi nya at dumeretsong pumasok sa unit ko.



"Hoy Travis!" sigaw ko tsaka sinara ang pintuan.

Sinundan ko sya at naupo sya sa couch kaya naupo ako sa kaharap na couch nito.



Teka, ano yung amoy na yun?


"Travis don't tell me-----"


Lumapit ako para amuyin sya, "Are you drunk?!!" pasigaw na tanong ko.



Wow ha! Umiinom pala si Travis? Tsaka bakit hindi halatang lasing to? Naglalakad ng maayos, nagsasalita ng maayos.....well, maayos pa naman mukha nya. But he smells. Yun lang.



"Hindi ah.." sabi nya saka umiwas ng tingin saken.



"Wag ka nga. Bat ka ba nagpakalasing? Tsaka bat di ka umuwi senyo?" tanong ko.



Hindi pa uminom si Travis ng alak buong buhay nya...I guess? Kasi this is the first time na nakita ko syang ganito.

"My parents....sinasabi nang itigil ko na ang pagiging trainee since parang di naman daw gumagalaw ang companya para may magdebut saamin. They can't understand the rules at kung paano ka makapag debut. SB19 trained for almost 4 years, tapos ako 2 years palang, matagal-tagal talaga...pero di na ata susuporta mga magulang ko sa pangarap ko." malungkot na sabi ni Travis na ikinagulat ko at ikinatahimik ko.




That's one of the hardest thing in life. Yung tutol ang magulang mo sa pangarap mo.



Travis always dreamed to be a performer, the day I met him akala ko nga isa siyang miyembro ng hindi pa gaano kilalang Ppop group pero hindi. He has an idol potential, at yun nga, pangarap nya rin palang maging performer. Gusto nyang sundan yapak ng SB19. He's been enjoying his training kahit alam nyang mahirap lalo na't nag-aaral pa sya pero I never saw him regret for what he chose.



Pero seeing him in a situation like this breaks my heart.


No. Kelangan nyang magpatuloy sa pagtratraining. Dun sya nagniningning. Dun sya masaya.



"Cheer up, Travis. Maybe nasabi lang yun ng parents mo dahil they can't also wait to see you perform on stage." I said.



***

"Sure ka? Matino ako kagabi? Wala akong ginawang kahihiyan?" pangkukulit pa saken ni Travis habang ako'y nagluluto.


"Wala nga! Isa pa ipupukpok ko na sayo tong frying pan!"



"Eto naman." sabi nya at umalis.


Natawa ako sa ka-childish'n nya. This is not the first time na matulog dito si Travis. Dito sya dumidiretso pag nag-away sila ng parents nya sa bahay nila. Minsan sleep over kaming tatlo nina Syien ganon.



"Pero yung totoo, Atina? Wala talaga?"

Nilagay ko na ang niluto kong scrambled egg at hotdog sa plato at hinain iyon sa mesa kung saan nakaupo si Travis, "Wala nga. Ang kulit mo. Wala kang ginawa pero may sinabi ka." sabi ko.





Travis' POV

Napantig ang mga tenga ko sa sinabi ni Atina.


ANO DAW?!! MAY SINABI AKO?! ANO YON? ANO YOOOONNNN?? TSAKA JUSMEYO MARIMAR, HINDI NAMAN SGURO 'YUN' DBA?




"A-ano sinabi k-ko?" tarantang tanong ko.


Nakita kong syang tumawa bago nagsalita, "Tinanong mo lang naman sakin kung bat green ang blacboard at kung bakit circle ang lemon square." natatawang sabi nya.


Hooh! Para akong nabunutan ng tinik! Akala ko na kung....hays!



"B-bakit ko naman tatanungin yun?!"




"Baliw, lasing ka kaya di mo maalala. " sabi nya pero inirapan ko nalang sya.


Di ako bakla ha!


*ding dong!*


Pareho kaming napatingin ni Atina sa pinto. Sino kaya yan? Umagang umaga. Baka si Syien? Na-ah. Tulog mantika yun.




"Buksan ko lang," sabi ni Atina at tumayo para buksan ang pinto.





Nagsimula na akong kumain pero nagtaka ako kung ano ikinatagal ni Atina at kung sino yun.


Tumayo ako at pumunta sa pinto, "Atina sino yan at antaga----------KUYA STELL??!!!"







SB19 Is My Neighbor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon