Atina's POV
*
"Stell." tawag ko kay Stell mula dito sa veranda ng floor namin. Nag-usap kasi kami kanina.
About some not-so-important matters. Pero di ko na kaya. My heart won't stop from beating so fast.
Tumigil sya sa paglalakad at ngumiting lumingon saakin.
"Yes?"
"Sana...sana pag nasabi ko'to sayo walang magbago. Magkaibigan parin tayo ha?" paninigurado ko sakanya.
"Ha? Bakit?" tanong nya.
Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita. Fine. I'll confess.
"I......I....." tinignan nya ako ng tingin na naghihintay sya sa susunod na sasabihin ko,"I like you."
That's it! I confessed. I just confessed.
Napansin kong natigilan rin sya. Maya maya't tumawa sya,"Ano ka ba, syempre A'TIN ka, kaya magugustuhan mo kame." sabi nya. Pero natigilan ulit sya sa susunod na sinabi ko.
"It's not just that. I like you as my idol.....
and as a man."
Ilang segundo sya natulala at nangiti rin. Bigla syang naglakad palapit saakin at....at.....at yinakap ako.
*dug dug. dug dug*
"I'm sorry." sabi nya. Am I being dumped? I mean....I mean I know di kami pwedeng maging kami pero...you know what I mean?
He can just atleast dump me in a nice way, :<
"I'm sorry at ikaw pa ang naunang umamin ng nararamdaman mo para sakin." nanlaki mga mata ko
A-ano sinasabi nya?
"S-Stell..."
"I was just afraid of doing the move first, thinking na baka ako lang. Baka masira pagkakaibigan natin. Baka mapahiya lang ako. That's why."
Hinaplos nya ang buhok ko kaya napangiti ako ng unti-unti kong na-gets ang sinabi nya.
I hugged him back,"Can I take that as------"
He cut me off.
"Yes. I like you too. I like you as a fan and as a woman."
*
*ding dong! ding dong! ding dong!*
Nagising ako sa sunod-sunod na doorbell sa baba.
ANO YUN??!!!! PANAGINIP LANG???!! BAT GANON?! AKALA KO TOTOO!!
SINO BA YANG NAGDOORBELL?
Padabog akong bumaba nang walang kaayos-ayos at binuksan ang pinto sa ganong itsura.
"Sino ba----! *gasp* Hello Stell!"
HALA SI STELL!!! TAPOS GANITO LAGAY KO??!!! HALA!!
Nagulat rin sya nang makita ako at natawa din, "Nagising ba kita? Sorry ha? Pero kasi gutom na ako, gusto ko sana kumain kasama ka? Kung pwede? Para may kadaldalan ako, hahahaha!" sabi ni Stell.
Napatingin ako sa hawak nya. Pagkain.
Matic akong napangiti sa inasta nya. Madaldal nga.
"Hahahaha! Sige po, pasok kayo. Di padin naman ako nagbreakfast. " sabi ko at pumagilid para padaanin sya.
Hinawakan nya sa iisang kamay ang dala nya saka ginulo ang buhok ko, "Ayan! Kumain na, magtatanghali na." sabi nya at tumuloy nya.
BINABASA MO ANG
SB19 Is My Neighbor?!
FanfictionSi Atina Ramirez ay isang normal na fan ng isang grupong sikat mula sa Pilipinas na SoundBreak19 o SB19. Hindi sya die hard fan, hindi rin sya balewala na fan. Isa lang syang normal na fan, average lang kumbaga. Sya'y taga probinsya at kolehiyo na k...