Chapter 13: Sprain

51 3 0
                                    


Stell's POV

Papasok na sana ako sa unit ko nang magsara ang elevator pero nakita ko yung bag na nabitawan ni Atina kanina. Kinuha ko ito pero pagkapulot ko neto ay nahulog ang cellphone nya.

Hala. Naiwan nya cellphohe nya!

Ihahabol ko sana eto pero nakaalis na sila kung ihahabol ko pa, kaya iilagay ko nalang ito sa loob ng bag nya.

Bago ko man pa ito ilagay ay napindot ko ang power on button neto kaya bumukas ito at nakita ko lockscreen nya.

Matic akong napangiti. SB19. Kami. Kami yung nasa lockscreen nya. Pero may nakaagaw ng pansin ko nan nandun.

'Atina, your birthday is coming!'

Nakalagay na notif sa cp nya. Birthday nya? Malapit na?

Kelan?

I asked siri. Yung sa cp nya.

"Siri, when is my birthday?"

"Hi, Atina. Your birthday is on May 26. "

"Luh? June 16 ka Stell!"

Napatalon ako at halos mabitawan ko ang cellphone ni Atina na hawak ko dahil sa gulat nang may magsalita sa likod ko.

"Jah?" tanong ko nang siya pala ang nagsalita. Mag-isa sya.

"Gulat na gulat? Bakit mo tinatanong birthday mo kay Siri eh----" napatigil sya nang may marealize at binigyan ako ng confused look.

"Teka, naka-android ka lang naman ah?" dagdag pa neto

Tong si Jah talaga eh.

"Di kasi akin to. Kay Atina."

"Aaahhhh! Kaya pala----" nanlaki mga mata nya at tumingin ulit sakin.

"Teka, so kelan birthday nya?!"

Tinawanan ko lang sya at nauna nang maglakad papasok ng unit. Baka kung may makakita pang fan samin rito eh. Malay mo, diba?

"Hooyyyyy! Stell! Tinatanong ko kung kelaaaaan!" sigaw nya at hinabol ako.

Well.

***

Travis' POV

Nagising ako nang puro puti ang nakikita ko. Asan ba ako?

Ano nangyari?

I tried to look around.....nasa ospital ba ako? Bat ako nandito?

Gagalaw sana ako pero may naramdaman akong nakahawak sa kamay ko.

Tinignan ko kung sino ito.

"A-atina....?" mahinang bulong ko nang sya ang nandon. Nakatulog habang hawak ang kaliwang kamay ko.

Masakit ulo ko kaninang gumising ako pero parang nawala nang makita sya.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Oh fudge.

DID I FAINT??!!!!

Atina's POV

"Huy hala! Bat naman ako maiistress para lang dun? Baliw ka ba? Hahahahaha!" pangabalewala ni Travis sa mga payo ko sakanya habang nasa labas na kami ng hopsital at inaaalalayan sya.

Wala pa kasi syang saklay, and sinabi naman ng doctor yung home remedies na pwedeng gawin para mapabilis yung paggaling ng kaliwang paa netong Travis na'to.

"Wag mo'ko idaan sa ganyan Travis. As if di kita kilala ha?"

"Totoo naman!" depensa pa nya.

SB19 Is My Neighbor?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon