Chapter 8

34 7 0
                                    


Nakakainis.

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa dalawang taong nasa stage. Nagpapalitan sila ng linya habang nakaupo sa sahig.

Argh.

Kinurot ko ang aking sarili sa inis pero napangiwi din kalaunan. Umismid ako at binaling na lang ang paningin sa labas ng bintana.

Tapos ko nang basahin ang linya ko. Ngayon, nagpapahinga na lang at maghahanda na pauwi. Sinabi sa amin ni Ate Kath na magpahinga na muna dahil wala kaming practice sa mga susunod na araw. May aasikasuhin daw kasi ang officers patungkol sa sponsors ng gaganaping event kaya walang magsusupervise sa practice.

Nakatanaw ang mga clubmates ko sa dalawang taong nasa harapan. Si Janine at Mason ay nakaharap sa isa't isa habang nagpapalitan ng linya. Aminado akong magaling ang dalawa sa pag-arte. Malinaw ang ekspresyon na ipinapakita ng kanilang mga mukha.

At oo nga pala, nalaman kong si Mason pala ang bidang gaganap.

Ang kapal ng mukha niyang kornerin ako kanina, he really has the guts?! Ugh, he's so mahangin! Nakakainis. Did he think that we're in some drama or movie? Ang arte!

Ngayon, enjoy na enjoy niya ang atensyong binibigay sa kanya ng mga clubmates namin.

Tumayo na ako nang 'di na nakayanan ang inis. Baka bigla akong sumabog dito. Ewan ko, pero nagiinit talaga ang dugo ko sa lalaking 'yon. Nakita kong napasulyap si Mason sa banda ko nang tumunog ang high chair sa pagbaba ko. When our gazes met, I rolled my eyes at him. Naglakad na ako sa palabas at nagpasyang bibili ng pagkain sa canteen.

Since it's Saturday, wala masyadong estudyante. Kung mayroon man, siguro ay nagpapractice o kaya naman may ginagawang projects. I smiled at the school staff that I saw on my way to the canteen. She's a middle aged woman holding a broom. I greeted her and moved forward.

Nang makarating sa lugar, dumiretso ako sa vendo at bumili ng iced coffee. Bumili din ako ng snacks at lumabas na. I chose to eat on a table outside. Magpapahangin lang ako sandali pagtapos ay babalik na rin.

Habang nakaupo, napansin kong may kung anong maliit na kumosyon sa guard house. Tumatawa ang guard habang nakikipagusap sa kung sino. May teacher din ang napadaan at piniling sumali sa usapan ng mga naroon.

I tilted my head to see who's the center of attraction. I only saw the back of that person and basing on his physique, he must be a boy. Hmm, baka anak ng teacher? Kaya kilala ng mga tao rito?

Nanliit ang mata ko nang umabante ang lalaki at nakitang medyo pamilyar siya. Itinaas niya ang kanang kamay para pabirong sumaludo sa guwardya.

Nakipagtawanan pa siya saglit bago nagpasyang pumasok sa loob. Nakita ko na ba siya? Parang wala akong natandaang encounter namin?
He's wearing a black shirt and a pair of jeans. Sa tingin ko hindi siya nagaaral dito. Is he a transferee? But I can see that he has no files with him or whatsoever.

Medyo napatalon ako sa kinauupuan nang bigla itong lumingon sa banda ko. Our eyes met and believe me when I say that his eyes are very familiar. Kumunot ang noo ko nang kumindat siya sa akin. He laughed and walked away.

Tss, babaero.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at niligpit ang kalat ng kinainan. Matapos 'non, tumayo na at naglakad pabalik ng clubroom.

Mabagal lang ako naglalakad nang makita ang ilang clubmates na bitbit ang kanilang mga gamit at mukhang pauwi na. They saw me and waved, "Uy, Eren! We're going home na, ah. Bye!"

I smiled a bit. They bid their goodbyes and left.

Sunod na nakasalubong ko ang club president namin kasama ang mga officers. Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam na.

The Pain Of DaffodilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon