Chapter 7

25 7 1
                                    


Weeks have passed. The preparations for the play we’re about to perform was very time-consuming. Hindi ko na naenjoy ang ilang weekends dahil sa meetings and rehearsals. Gaya nga ng sabi ni Ate Kath, isa ako sa napiling gumanap sa pagtatanghal.

Ilang linggo matapos sabihin sa akin ang balita, binigay na nila ang mga kopya ng storyline. Nabasa na namin itong lahat at nalamang umiikot ang storya sa kabataang magkasintahan na maghihiwalay ng landas upang tahakin ang kanya kanyang propesyon. Dito matatalakay kung gaano ka-importante ang edukasyon at pagtatagumpay sa isang tao. Sa storyang ito, titimbangin ang kahalagan ng kasiyahan at pagiging matagumpay sa buhay.

Nandito ako ngayon sa club room, nagbabasa ng script. Pinatawag ng president ang lahat para sa isang meeting. Malapit na kasi naming I-perform ito. Manunuod ang Mayor at Governor kaya talagang pinaghahandaan namin ito. Kasama ang mga seniors ng club, nagkaroon ng maliit na workshop upang mahasa ang talento sa pag-arte. Ginawang priority sa workshop ang mga katulad kong freshman at iilang sophomores.


Napag-usapan sa meeting na mas magiging hectic ang schedule namin ngayon dahil na nga sa nalalapit na itong ganapin. They also discussed about the tasking of those who’ll not be executing the play. Some would do the props, make-up and clothes that the actors would wear. There are also persons that are tasked with the stage design.

I returned my gaze to the script I was reading. Sa play, ako ang makikilala ng lalaking bida sa panahong nagkahiwalay sila ng babaeng bida. May mamumuong koneksyon sa pagitan naming dalawa na magdadagdag ng laman sa kwento. Kumbaga, magugustuhan niya ang karakter ko habang magkalayo sila ng bidang babae.

I sighed.

Nakilala ko na ang gaganap bilang babaeng bida. She’s Janine, a sophomore. She’s quite bubbly and maingay. And she’s quite flexible with her role, too. The officers let the lower years perform the play to showcast their talents. And para na rin daw masanay. And since maraming lower years ang nakitaan ng husay sa pag-arte, confident sila sa kalalabasan ng play.

Ang lalaking bida naman, hindi ko pa nakikilala. Hindi naman talaga gan’on kalaking problema na hindi ko siya kilala, pero kasi it’s hard to practice lines without a partner. It’s just been a week since we started practicing at ni isang beses, hindi ko siya naabutan.

Ang sabi, he’s attending naman but for a short time lang since he has some things to attend to. Whatever those are, hindi man lang talaga kami nagkita?!

Sabagay, mayroon kasing pagkakataon na sinasama ako ng officers sa palabas-labas ng school to attend some things, at saktong ‘yon ang oras na dumadating ang lalaking gaganap.

Pero bakit ba masyado siyang pa-big time? Luh, Johnrey Rivas ka?

Hindi naman sa curious ako, pero.. parang gano’n na nga. Is he some important person? Like, anak ng school head? Ng kilalang tao? Ng mayor? Anak ng bayan?

Bigla kong naalala si Mason. Ang alam ko, kasali siya sa Theater Club? Pero hindi ko siya nakita sa alinmang meetings at rehearsals. Siguro dahil na din madami siyang clubs? Pero bakit kasi pinapagod niya ang sarili niya sa marami kung pwedeng sa isa lang naman? Hay boys..

“Serenity..” I heard an officer call me. “Halika muna rito,” he gestured with his hand. I nodded at him and looked at my clubmates.

“Guys, saglit lang..” Pagpapaalam ko sa kanila. Tinanguan naman nila ako. I was sitting on the floor with my fellow first years and a few second years. Naguusap ang iba habang ang ilan ay nagpapractice. I stood up from where I was sitting and walked to the officer who called. “Upo ka,” sabi niya nang makalapit ako.

The Pain Of DaffodilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon