Drama muna :(

19 0 0
                                    

Jam Pov.

Andito pa rin kami  sa bahay nila Chris. Nag kwekwentuhan kaming dalawa ng mama nya.

" Alis muna ako saglit babalik din agad ako." sabi nya. Nagulat ako. Hala pano kung awayin ako ng mama nya pag umalis sya. Yung tipong sasabihin nya na. " Lumayo ka sa anak ko. Hindi ka bagay sa kanya." o kaya " Ginayuma mo sya no" tapos sabay sampal. 

" Huwag ka ngang mag isip ng kung ano ano. Hindi naman ganun si mama" sabi nya na nasa harapan ko na pala. .tumingin sya sa likod. Ako din tumingin sa mama nya and she was smilling at us :D

" Lagot ka sakin mamaya pag umuwi na ako" bulong ko  kanya. Ngumiti lang sya.

" Ma alis po muna ako. Ikaw na po bahala kay Jam" sabi ni Chris.

" Okay" sabi ng mama nya. Umalis na nga sya at naiwan kaming dalawa ng mama nya. Oh my gulay . kinakabahan ako ng bongga :(

Tahimik kami ng mama nya :( Awkward. Baka mamaya tama yung iniisip ko kanina :( oh no :(.

" Alam mo iha. simula noong nakilala ka nya nagbago si Chris." sabi ng mama nya. Narelieve naman ako duon. :D Thanks god.

" Bakit po? Paano nyo po nasabi?" tanng ko.

" Kasi simula noong nakilala ka na nagbago sya." Yung totoo po paulit ulit. -_-. Joke lang po." Hindi na sya yung malungkutin na tao at galit sa mundo." bigla sya tumayo at inabot sa akin ang isang photo album :D. Binuksan ko iyon at nakita ang mga pictures ni Chris noong bata pa sya. Ang cute nya nga eh :D May nakita akong picture ng isang pamilya ata. Mukhang masaya sila.

" Yan ang papa ni Chris" sabi ng mama nya sabay turo sa lalaking may  buhat kay chris sa picture. Bigla syang tumahimik at huminga ng malalim bago magsalita  " Ang totoo kabit lang ako. Anak sa labas si Chris at ang tunay na pamilya ay ang pamilya ni Ronin." Umiiyak na sya. hinawakan ko nalang sya sa kamay para pakalmahin.. Hindi na ako magsasalita sya nalang muna. Hahayaan ko sayng magsalita :D

" Hindi ko talaga alam noong una na may asawa na yung papa ni Chris. Napaikot nya ako. kasi noong mga panahong yon halos perfect na ang buhay namin. pero mali ako . At isang araw bigla nalang akong sinugod ng mama ni Ronin at sinabing sya daw yung tunay na asawa. Kabet daw ako kabet. Nung time na yun galing lang sa school si Chris at narinig nya lahat kaya ayon matindi ang galit nya sa papa nya at iniwan din kami ng papa nya dahil nagbanta yung mama ni Ronin na ipapapatay kami pag hindi nya kami iniwan" humahagolgol sa iyak si Tita. Pati ako umiiyak na kasi ang lungkot pala ng buhay nila. Pinakalma ko muna sya at pinainom na tubig.

" Tita ang buhay talaga napakadaya. Ako po nawalan din po ng ama. Pero ipinagdadasal ko nalang po na sana maayos sya kung nasaan man sya ngayon. Tsaka po. Mabait naman po si Chris. Mayabang nga lang po minsan.." Ngumiti si Tita." Hahaah pero wag po kayong mag alala. Hindi ko po sasaktan ang anak nyo" sabi ko at niyakap nya ako. nagkwentuhan pa kami at dumating si Chris,

---------------

Hi po !!!! free dedication :D vote na po

DJ JamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon