CHAPTER FOURTEEN

8K 187 11
                                    

CHAPTER FOURTEEN



"TALAGANG inulit mo pa ang sinabi mo tungkol sa kasal na yan ha?" Pagalit na tanong ni Andreana kay Matthew. Sa halip na sumagot ay tumingin ito sa bandang likuran niya kaya naman tiningnan niya rin kung anong meron sa likuran niya. It's Wazel and Melisandre. Nandito na pala ang binatilyo at nagulat siya sa malaking pagbabago ng katawan ni Wazel. Lumaki ang katawan nito at tumangkad ng husto. Naging magandang lalaki rin ito kagaya ni Matthew.

"What did we just hear, bro? Are you two talking about weddings? Wedding of who?" Seryosong tanong ni Wazel.

"Don't tell us that you're planning to marry Andy?" dagdag na tanong ni Melisandre. Hindi niya alam kung papano sasalubungin ang tingin ng magkapatid o kung ano ang isasagot.

"Mali ang iniisip niyo Wazel, Melisandre. Your brother must be out of his mind again." Siya na lamang ang sumagot. Tumalikod na nga siya ng tuluyan kay Matthew at inaya si Melisandre at Wazel papuntang kusina. "Let's eat? Hindi ba ay may pupuntahan pa tayo?"

"Yeah, that's right," Sagot naman ni Melisandre at ngumiti na rin ito. Hindi niya alam kung anong reaksyon ng mukha ni Matthew ngunit ramdam niyang nakasunod sakanila ito sa dining area.

Bacon, hotdogs, eggs, and fried rice. Isama na ang mainit init na black coffee. She misses eating these kinds of foods. Sa Maynila kasi ay puro prutas at vegetable salad ang kinakain niya. Kailangan kasi niyang i-maintain ang figure niya dahil ito ang kanyang puhunan. Pero ngayon, sa tingin niya'y walang makakapigil sa kanya.

"Akala ko ay next week ka pa uuwi, Wazel? You surprised me. Does daddy know about this?" Umpisa ni Matthew habang kumakain sila. Kaharap niya ang dalawang lalaki at nasa kanan naman niya si Melisandre at si Athena na sinusubuan ng yaya nito. Si Faustine ay dinalhan na lamang ng pagkain at ganon din ang kanyang ina at si Nathan.

"Yes, kuya Matt. I said that because I wanted to surprise you and just as I planned, you were surprised." Wazel answered between his laughs. "Anyway, alam naman ni Ate Melisandre na uuwi ako at kanina dumaan na ako sa kwarto ni daddy."

"How's Le Monoir?" pag iiba ng usapan ni Matthew.

Patuloy lamang sa pagku-kwentuhan ang dalawang binata sa mga issue na wala siyang kinalaman. Kaya naman ay tahimik lamang siyang kumain at minsan tinatanong siya ni Athena tungkol sa mga teleserye niyang ginagawa sa TV.

"At saan naman kayo mamamasyal nila Andreana?" Napalingon siya sa magkapatid ng marinig bigla ang pangalan niya.

"Diyan lang sa farm, kuya. Since okay na kami ni Andy. Mamamasyal kami kasama si Athena and even Nathan." Napangiti siya sa sagot ni Melisandre. Nakaramdam muli siya ng excitement. Tumingin pa si Melisandre sa kanya. "By the way, is it okay for Nathan to come, Andy?"

"Yeah. Mamaya ay sasabihan ko siya—"

"No. Huwag mo ng isama si Nathan. Mabilis siyang mapagod." Turan naman ni Matthew kaya napaisip siya. Tama naman ang binata. "Hindi ka rin maaaring gumala, Andy. May pagu-usapan pa tayo."

Mahina ngunit may pag-uutos na saad ni Matthew kaya napawi ang ngiti nila.

"But why kuya? Andreana seems excited about it!" reklamo ni Melisandre sa kapatid.

"Listen carefully, Wazel, Melisandre. I'm going to marry, Andreana for good. At kailangan naming mag-usap tungkol sa kasal, so, she can't come." Kitang kita niya ang gulat sa mukha ni Wazel at Melisandre na tumingin sakanya.

How can you say those words in front of your siblings? Gusto niyang isigaw iyon ngunit walang lumalabas sa bibig niya. Isa pa, andoon si Athena. Ayaw niyang gumawa ng ikakagulo ng isip ng bata. Kaya naman tumayo na lamang siya at nagmadaling tinungo ang kwarto.

MORRISON SERIES #1:ANDREANA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon