CHAPTER SEVEN

9K 197 15
                                    

CHAPTER SEVEN



"FINALLY, Andy, you called back. So, what's your plan? Come on, let's go out? " Andreana just cried when Charles answered the call. "Hey, are you crying?"

"I-I'm going back to Philippines, Charles." Iyak niya kaya narinig niya ang pagsinghap nito sa kabilang linya. Gustong gusto na talaga niyang makita si Nathan at ang daddy niya. Gusto na niyang mayakap ang mga ito lalo pa at nalaman niyang niloloko sila ng kanilang mommy. "P-please help me. I wanna go home."

"What? Why? What happened?"

"It's a long story, Charles. Please help me. You're the only one I know na alam kong kaya akong tulungan." hagulgol pa niya. "Tulungan mo sana ako Charles!"

Tiningnan pa niya ang wall-clock. Alam niyang maya-maya lamang ay nandito na sina Melissandre or worst pati si Matthew.

Simula noong makasama niyang mamasyal si Matthew ay nagkaroon na rin siya ng pagtingin rito. Ayaw niya itong iwan, pero ayaw niya rin namang makasama ang ina dahil niloloko lamang sila.

"Okay, Andy. Pupuntahan kita."

"Yes please. Hurry up Charles! Kapag naabutan tayo ni Matthew o na kahit na sino dito sa bahay, hindi na ako makakaalis." Turan niya.

"Okay. Pack your things and I'll pick you up." Saad nito

"Thank you, Charles." Iyon ang huli niyang sinabi bago pinatay ang tawag. Itinuloy niya ang paghagulgol habang nag e-empake ng kanyang mga damit.

"Bakit ba nagawa ng ina ang lokohin ang kanilang ama? Ano bang kulang ss daddy niya? Ramdam naman niyang nagmamahalan ang mga ito pero, bakit? Bakit kailangang magmahal ang mommy niya ng iba? Dahil ba sa pera? Dahan dahan siyang lumabas ng silid. Sinilip niya muna kung may tao sa paligid bago siya nagmadaling lumabas sa bahay.

Mabuti nalang walang nakakita sakanya ng tuluyan na siyang makalabas sa gate.

"Andreana!" she did not realize that she was still stunned at that moment. She was startled to see Charles' car in front of her. Agad siyang sumakay sa sasakyan pero bago pa man siya makasakay, eksakto naman nag pagdating ni Matthew.

"Saan ka pupunta, Andreana?" Bumaba si Matthew sa sasakyan nito. Seryoso ang mga mata nito na nakatingin sakanya. Akamang lalapitan siya nito pero agad siyang pumasok sa loob ng kotse ni Charles.

"Let's go and drive as fast as you can!" Utos niya agad kay Charles na sinunod naman nito.


***


"ARE you sure of what you're going to do, Andreana? That you're going to leave your mom here?" Tahimik lang si Andreana habang nakatitig sa ticket niya pauwi sa Pilipinas. Dahil mayaman naman si Charles, tinulungan siya nitong makabili ng ticket. "Paano na ang pag aaral mo?"

Nakisalo siya sa pamilya ni Charles sa dinner kanina. Nakakahiya man, pero wala naman siyang ibang matutuluyan. Ayaw na talaga niyang bumalik sa mga Morrison. Masama pa rin ang loob niya sa ina.

"Sa Pilipinas ko nalang itutuloy." Sagot niya. Kanina pa nag ri-ring ang kanyang cellphone. Salitan na tumatawag sina Melisandre, Matthew at ang kanyang ina.

"Won't you even answer their call?" Tanong pa ng binatilyo. Na-ikwento narin niya rito ang tungkol sa sama ng loob niya para sa ina. She shook her head slowly with tears. Alam naman niyang mahal mahal siya ng kanyang ina. Pero, mahal rin niya ang kanyang ama. Kaya naman hindi niya kayang tiisin ang nakikitang panloloko ng mommy sa daddy niya. Buo na ang desisyon niya. Uuwi nalamang siya sa Pilipinas.

MORRISON SERIES #1:ANDREANA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon