CHAPTER NINETEEN
NANG bumalik na sa loob ng bahay ang matandang lalaki, naiwan si Andreana sa hardin. Mamaya na lamang niya kakausapin ang kanyang ina. Hindi lang mawala sa isip niya ang sinabi ni Faustine, na nagpapadala naman pala noon ang kanyang ina. Bakit ba nagsinungaling sakali ang ama? Bakit sinabi nito na kinalimutan na sila? Para kamuhian nila ang ina? Ano man ang dahilan ng kanyang daddy, wala na ring kwenta dahil patay na ito.
"Andreana," nagulat pa siya ng makita si Wazel. Umupo ito sa kanyang tabi at ginaya siyang nakatitig lang sa mga halaman sa harapan. "Hinahanap ka ni kuya. Nandito ka lang pala."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Isa pa sa gumugulo sa isip niya ngayon ay ang pagpapakasal nina Matthew at Cherry. Kahit nung burol ni Nathan ay parating magkasama ang dalawa, parating magkatabi. Dinededma niya nalang dahil sa tuwing nakikita niya ang mga ito, nadadagdagan lang ang bigat sa kanyang kalooban.
Gusto ko ba talaga si Matthew?
"By the way Andreana, ate, Athena and I want to go to the beach the day after tomorrow. Do you want to come along? It's nice there, you can unwind a little bit." Wazel smiled politely. She knew that she only just wanted to make her feel better. Pero wala siyang oras para mamasyal, nagluluksa siya. Siguro, magkukulong nalang siya sa kwarto niya.
"Kayo nalang—"
"Please, tita Andy. Sumama kana samin," nabigla siya ng biglang may sumulpot sa kung saan. Si Athena kasama si Melisandre. Hinawakan pa siya ng bata sa palad at tila nagpapaawa pa ang mga mata nito. Wala sa sariling napangiti siya at ginulo ng bahagya ang buhok ng bata.
"Sumama kana kasi, Andrea." Si Melisandre. "Alam kong masakit ang pagkawala ni Nathan. Pero for sure ayaw kang nakikita ni Nathan na malungkot. Sumama kana saamin. It's good for your mental health too."
"O-okay fine, I'll go with you," sagot na lamang niya. Hindi rin naman titigil ang tatlo hangga't hindi siya papayag. Naisip niya rin, siguro kailangan niya rin mamasyal para kahit papano, hindi siya mabaliw sa kalungkutan.
Bahala na. Iyon nalang ang nasabi niya sa kaniyang utak. Nakita naman niyang natuwa ang tatlo sa pagsangayon niya.
"Nasan ang mommy?" tanong pa niya.
"She is in her room. Kakausapin mo na?" si Wazel. Tumango naman siya. Maya-maya pa ay tumayo na siya at iniwan muna sa hardin ang tatlo upang puntahan ang ina.
Nadatnan niya naman ang ina sa kwarto na nakaupo sa kama at umiiyak. Naawa siya sa hitsura ng ina. Sobra na talaga ang ipinayat nito at ikinaputla ng balat. Naalala niya tuloy ang hitsura ni Nathan, ganun na ganun, gaya ng ina.
"M-mommy..." nanginginig niyang turan. Nang makita siya, mas lalo itong humagulgol kaya naman agad niya itong nilapitan at niyakap. "I'm sorry mommy. N-ngayon ko lang kayo kinausap."
"W-wala na si Nathan. W-wala na ang kapatid mo, anak." iyak niya. "S-sorry anak ha? Kung hinayaan kitang alagaan mag-isa ang kapatid mo noon."
"Shhhhh. Tama na mommy. Kalimutan na natin lahat ng hinanakit. Matagal ng nangyari 'yun." Iyak niya.
"A-alam kong masama ang loob mo saakin, anak. Patawarin mo sana ako."
"Matagal ko na po kayong napatawad mommy." Aniya. Matagal ang naging yakapan nila ng ina. Pero ng dumating ang doctor, ay iniwan niya muna ito sa kwarto. Ayon kasi sa doctor, oras na raw ng pahinga ng ina.
***
"ATHENA, do you really want to go to the beach? Are you sure about that?" Tanong ni Andreana kay Athena. Nagpupumilit kasi itong bukas na sila pumunta sa beach. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan ng mga oras na iyon. Siya ang nagdala ng pagkain sa kanyang mommy kanina. Natutuwa pa ito at talagang inubos nito ang pagkain. Matapos iyon ay nakisalo na nga siya sa mga Morrison.
BINABASA MO ANG
MORRISON SERIES #1:ANDREANA|R-18|COMPLETED
Romance[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #1 Matthew Gregory Morrison and Andreana Alonzo DATE STARTED: JULY 21, 2020 DATE FINISHED:JULY 29, 2020