CHAPTER FIFTEEN

7.7K 154 11
                                    

CHAPTER FIFTEEN



NAKAHINGA si Andreana ng maluwag ng hindi nagalit si Matthew sa pagdating nilang apat sa bahay. Siguro natuto na rin itong magtimpi sa galit kaya naman pumasok na lamang ito sa loob at hindi na nagsalita. Hindi rin nila nakasabay sa hapunan si Matthew. Ayon kay Wazel ay busy raw ito sa library, may tinatapos na AutoCAD files and Sketch-Ups para sa project nitong Commercial Building sa bayan.

"Ah nga pala, Andreana. Can I visit Nathan later?" Tanong sakanya ng binatilyo habang sila ay kumakain. Tumango naman siya at ngumiti.

"Siyempre naman, Wazel. Magkapareho kayo ng edad ni Nathan. At alam mo bang matagal ng hindi nakakakita iyon ng kasing edad niya?" saad niya. Bahagya pa siyang lumungkot sa huling sinabi niya.

"Hey Andrea. Don't be sad. Ginagawa naman ng doctor ang lahat para mapagaling si Nathan." Saad ni Melisandre. Matapos ngang kumain ay agad silang nagtungo ni Wazel sa kwarto ni Nathan. Nadatnan nilang tulala ang kapatid sa kwarto habang binabantayan ito ng private nurse.

"Hi Nate!" bati ni Wazel na nakakuha ng atensyon ng kapatid. "I'm Wazel. Matthew's younger brother."

"H-hi." Tila nahihiya naman ang kapatid na tumingin rito pagkatapos ay tumingin rin sakanya.

"Magkasing edad kayo ni Wazel, Nathan." Saad niya. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang hitsura ni Nathan sa sandaling iyon. Para bang nabalot lalo ng lungkot ang mukha nito. Hindi ba ito natutuwa na makita si Wazel?

"Ate, pagod po ako. Gusto ko lang magpahinga muna." Saad ng kapatid kaya naman napatingin siya kay Wazel. "S-sorry."

"Sorry, Wazel, maybe next time." Pagpapaumanhin niya sa binatilyo. Ngumiti naman si Wazel.

"Okay lang, Andreana. Babalik nalang ako bukas." Paalam nito bago lumabas sa kwarto ng kapatid. Nang makalabas si Wazel ay nilapitan niya si Nathan.

"Are you okay? What's wrong?" tanong niya sa kapatid. Hinarap naman siya nito. "Why don't you want to talk to Wazel? "

"I just want to be alone, ate."

"I know you, Nathan. Alam kong may gusto kang sabihin. Tell me, what is it?" malumanay niyang tanong. Bumuntong hininga naman ang kapatid at umupo mula sa pagkakahiga.

"I just thought that why did I get sick? I didn't even have the experience to study in a normal school, make friends with people of my age. I have never experienced being strong. Did I do something wrong, ate. Am I being punished? Is God hated me? "sunod-sunod na tanong ng kapatid. Hindi niya alam ang isasagot pero sinikap niyang bumuo ng pangungusap sa isip.

"Isipin mong lahat ng ito ay may dahilan, Nathan. Mahina ka man ngayon pero umaasa ako na gagaling ka—"

"Pero si mommy. Bakit kailangan pati si mommy magkasakit rin? Hindi pa ba sapat na ako nalang?" dagdag na tanong ng kapatid. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya dahil gusto niyang maging matatag.

"Basta magpagaling ka lang, Nathan." Saad niya at niyakap ang kapatid.

"I'm tired, ate. Sobrang pagod na ako sa lahat." sa sagot na iyon ng kapatid ay palihim siyang napaluha. "I want to rest. I don't think I can do it anymore."

"Nathan, don't ever say that. Mahal kita. Mahal na mahal ka ni ate. Kung kinakailangan na ibuwis ko ang buong pagkatao ko para sayo, gagawin ko. Magpagaling ka lang. Please..." Iyak niya. "Huwag mong iiwan ang ate. Ikaw nalang ang meron ako!"

"Nandyan pa ang mommy ate." Saad ng kapatid. Humiwalay sa yakap ang kapatid at pinahid nito ang mga luha sa mata niya. "Stop crying, ate."

"Please don't give up..." aniya na lumuluha parin. Ngumiti naman ang kapatid niya. Hinalikan pa siya sa noo.

MORRISON SERIES #1:ANDREANA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon