#UTLChapter3
**
It was a Friday evening. I was staying in my room and watching the weather outside from my window. Dark clouds were coming down and covering the blue sky.
I let out a heavy sigh and hugged my knees closer to my chest. This is one of seasons that I really hate. Bukod sa suspended ang klase ko ngayong araw, ang ingay pa ng hampas ng hangin sa bintana ko kaya hindi pa rin ako makatulog.
I opened my curtains widely and silently sips on my hot chocolate. I really want to sleep kaya instead of coffee, eto ang iniinom ko.
Napatingin ako sa katapat kong bintana nang napansin kong patay parin ang ilaw.
Huh.
Tulog na ba siya? Pero 8 pm palang... Nakauwi na ba 'yun?
I've been in this apartment for a week now at kabisado ko na agad ang sleeping routine niya.
Paano ko nalaman?
Because I'm a night owl, at syempre, nakatapat ang window ko sa window niya. Although, mas malaki 'yung bintana niya kaya mas kita ko ang buong kwarto niya compared nung sa akin. Every night kapag uuwi ako galing school, pumupwesto agad ako sa study table to study. At lagi ko siyang nakikita don na nanunuod ng TV while eating his dinner. At exactly 8 pm, tapos na ko magdinner at nakikita ko naman siyang nagwowork out. Not that I'm checking him out! Kapag nagrereview kasi ako lagi nagwowonder ang mata ko. I'm not some sick pervert, okay? Then minsan nakikita ko din siyang naguuwi ng babae sa unit niya at 'yung iba don naka uniform pa kaya sinasarado ko na agad ang bintana ko kaya pag 10 o'clock onwards na, wala na kong alam tungkol sa kaniya.
Pero ngayon, buong araw atang patay ang ilaw niya. I think the last time I saw him was last night.
I gasped when I realized na may alaga nga pala siyang aso sa unit niya! Hindi ko alam kung totoo 'yung sinabi niya sakin last week o hindi pero kung totoo man, baka patay na 'yun dahil kanina pa siya wala! Oh no...
Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at sinipat maigi 'yung buong unit niya. Nagisip ako ng pwede kong gawin like, tatawagan ko siya pero wala naman akong number niya o kaya naman puntahan ko 'yung guard tapos sabihin ko na may naiwang aso sa loob kaya lang sobrang lakas ng ulan.
I eagerly waited for him and finally, after 45 minutes nakauwi na din siya.
I tried knocking on my window pero hindi niya man lang ako nakikita! Ugh. He was taking off his clothes dahil basang basa siya ng ulan pero bago niya pa hubadin ang pantalon niya, napatingin agad siya sakin at tinanguan ako.
I tried yelling, "Yung aso mo!" Pero hindi niya ata ako maintindihan dahil nakakunot ang noo niya. Ugh. He sucks.
Anong gagawin ko ngayon?
I can't open my window, papasukin ako ng ulan at mababasa ang mga gamit ko! Buti nalang talaga at medyo matalino akong tao, kumukuha ako ng notebook at marker and I wrote "How's your dog?" At pinakita sa kaniya. Para tuloy kaming nasa music video ng you belong with me neto.
I could see him squinting his eyes at my writing and when he finally understood it, yumuko siya para kuhain ang aso niya at ipinakita sakin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko 'yung corgi na buhay na buhay at sobrang taba.
Nakita ko siyang may kumuha ng notebook kagaya ko at itinapat sa bintana niya. He wrote "Do you miss me?" on it kaya agad akong napairap.