#UTLChapter8
**
I'm pretty sure I was late to my first class today but I couldn't care less.
I've been sitting here in the coffee shop for 2 hours now and I can't move. I've been thinking about last week... I can't stop thinking about it.
Kagabi ko pa iniisip ang sasabihin ko sa kaniya kapag nakita ko siya mamaya. After kasi ng midterms, may binibigay samin na parang mini sem break that lasts for a week, at ngayon may pasok na kami... Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko siya.
"Good morning,"
Walang gana akong napatingin doon sa nagsalita. Hinayaan ko siyang maupo sa tapat ko dahil wala akong energy para paalisin siya, kinakabahan ako at hindi ako mapakali.
"Diba 8 am ang class mo? Bakit nandito ka pa?" Tanong niya sakin habang kumakain.
Hindi ko siya ulit pinansin dahil hindi ko maintindihan ang tanong niya. Lumalabas lang sa kabilang tenga ko 'yung sinasabi niya.
"Okay ka lang?" Tanong niya ulit. "Wait... Are you wearing... make up?"
This time napabalik ako sa reality at humarap sa kaniya. "What?" Tanong ko. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ko.
I creased my forehead and looked down. Kinuha ko 'yung phone ko at tinignan ang reflection ko sa screen.
"It's not a make up... it's just lip tint." Depensa ko.
"Why are you wearing make up?"
"Hindi nga make up 'to!" Sigaw ko sa kaniya.
Tinignan niya nang mabuti 'yung mukha ko na parang may kung anong tumutubo dito. Mabilis kong kinuha 'yung tissue na nasa lamesa at pinahidan ang labi ko. Sabi ko na bad idea ang makinig kay Rio! Niyaya kasi ako kahapon ni Calli na sumama sa kanila sa mall tapos pinilit ako ni Rio na bumili ng make up kahit lip stick lang daw para magkakulay naman ang mukha ko. Ang sabi ko masyadong extreme 'yung lip stick kaya nirecommend sakin ni Calli 'yung lip tint.
"Bakit mo binubura?"
Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin 'yung pagtanggal sa tint. Nakakainis. Saan ba gawa 'to?! Bakit ayaw matanggal?!
"Stop that, baka dumugo na 'yung labi mo." Sabi niya sakin at hinablot ang tissue sa kamay ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha ulit ng panibago.
"Ang kulit." Bulong niya. "Try this instead,"
Napatigil ako sa pagkuskos sa labi ko at napaharap sa kaniya. Nakita ko na binasa niya 'yung handkerchief niya gamit 'yung bottled water na binili niya st inabot sakin.
Nagaalangan akong kuhain 'yun dahil baka madumi 'yung panyo niya. Mukha naman siyang malinis outside but I know him! Madumi ang pagtao nito.
"It's clean," He said with an eyeroll.
Inirapan ko din siya nang kuhain ko 'yun at ipahid sa labi ko. Infairness, effective naman.
"Bakit mo ba binura? Hindi ko naman sinabing panget."
Hindi ako sumagot. Mangaasar na naman 'to at wala ako sa mood.
"Nagpapaganda ka ba?" Tanong niya na may halong pangaasar.
"Shut up,"
"May crush ka?" Tanong niya habang natatawa. "Capable ka pala magkacrush?"
"I said shut up." I said with a glare. Hindi talaga kumpleto ang araw niya kapag hindi niya ako naiinis.